^

Pang Movies

JMFyang, mala-william at Maricel!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
JMFyang, mala-william at Maricel!
Fyang Smith at JM Ibarra

Big success ang red-carpet premiere night ng pelikulang Almost Us na pinagbibidahan nina JM Ibarra at Fyang Smith (JM­Fyang) na ginanap last Tuesday night sa SM Megamall.

Dumagsa sa sinehan ang fans ng JMFyang loveteam in support sa first lead-film ever ng dalawa na idinirehe ni Dan Villegas.

Talaga namang solved na solved ang fans sa napakaraming kilig scene ng JMFyang all throughout the film. From start to end.

Bilang mga baguhan, naka-deliver nang bonggang-bongga sina JM at Fyang mula sa kilig scenes hanggang sa dramatic scenes nila.

Actually, tama si Miss Roselle Monteverde ng Regal Entertainment na nakikita niya si Diamond Star Maricel Soriano kay Fyang na kayang-kayang magpatawa at magpaiyak.

Pagdating sa iyakan, kering-keri rin talaga ni Fyang at dalang-dala niya ang viewers sa kanyang heavy drama scenes.

Pagdating sa pinakaaabangang kissing scene, parang mawawasak na ang sinehan sa tindi ng tilian na halos hindi matapus-tapos.

Sa totoo lang, ang lakas ng chemistry at kilig factor ng dalawa at hindi na kami magtataka kung maging isa ang JMFyang tandem sa established loveteams sa showbiz.

Parang nakikita namin sa kanila ang loveteam nina William Martinez at Maricel na sumikat din talaga nang husto noong dekada ‘80

Aside from Maricel, nakikitaan din namin si Fyang na pwedeng maging another Kim Chiu ng susunod na henerasyon. Wala pa ring kupas si direk Dan pagdating sa romantic-comedy film at talagang napiga niya rin ang dalawa hindi lang sa kilig moments kundi maging sa pag-arte. Nagsimula na ang showing ng Almost Us kahapon, May 6, sa mga sinehan nationwide.

Jennylyn, hindi pa handa sa baby boy

Kung tutuusin ay may kasunod na ang first baby nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Dylan. Ini-reveal ng aktres sa grand comeback launch ng Reverie by Beautederm kahapon ng tanghali na baby boy ang kanilang 2nd child na mas nauna pa actually kaysa kay Dylan.

Natanong kasi si Jen kung kailan ba susundan ang kanilang panganay na anak ni Dennis at sey niya, “‘yung mga nakakaalam ng story ko tungkol sa pagbubuntis, meron pa ‘ko talagang isang boy na buo na, nasa Texas (USA). So, kung maisipan ko man, siguro siya na lang.”

Baka raw kasi sabihin ni baby boy na “ano ba ‘yan, nauna pa si Dylan sa akin, nauna ‘ko sa kanya.”

Ang tinutukoy ni Jen ay ang naka-preserve na embryo nila sa US na ginawa nila bago pa man niya ipagbuntis si Dylan. Pero bigla ngang nabuntis ang aktres the natural way kaya hindi na muna nila itinuloy ang IVF (in vitro fertilization) process.

Kung sakaling hindi na siya mabubuntis ulit the natural way, ani Jen ay baka isagawa na nila ang IVF para sa 2nd baby.

“Gusto pa namin siyang tutukan si Dylan. Mas magandang naka-focus kami sa kanya kasi ‘yung mga kuyas niya, mga binata na,” sey ng aktres.

Ang tinutukoy nga niyang mga kuya ni Dylan ay si Jazz na anak ni Jen kay Patrick Garcia, at si Calix na anak naman ni Dennis kay Carlene Aguilar.

Samantala, perfect ambassador nga si Jen ng Reverie dahil sa unang labas pa lang ng mga produkto noong 2018 ay ginagamit na niya ito and that time ay hindi pa sila magkakakilala ng CEO ng Beutederm na si Rei Anicoche Tan.

Two years ago nang magsimula ang partnership nina Jen at Miss Rei and since then ay naging magkaibigan na sila’t naging ninang pa ni Dylan ang Beautederm CEO.

FYANG SMITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with