Sarah, ginaya si Ellen!

Pasabog ang latest photo post ni Sarah Lahbati na topless siya, at tinakpan ng kanyang mga kamay at braso ang boobs.
Kaya lang, nakatagilid siya, kaya ang hubad na likod lang nito ang makikita.
“Hi” lang ang caption ni Sarah at tinag lang ang glam team niya at may gawa ng kanyang trouser. Sapat na ang larawan para magkagulo sa Instagram niya at puro positive ang comments ng friends niya and followers.
Kabilang sa nag-comment si Ellen Adarna “Bakit ka ganyan?” na sinagot ni Sarah ng “mana sayo.” Naalala namin na nag-post din si Ellen ng sexy photos niya last month at para ngang ginaya siya ni Sarah.
May pasaway lang na netizens, tina-tag si Barbie Imperial sa kanilang comments, kaya nakiusap ang ibang netizens na ‘wag nang i-tag si Barbie para walang isyu. Kasama rin sa pakiusap na tigilan ang pagkukumpara kina Sarah at Barbie at iwasang banggitin ang pangalan ni Barbie.
Naintriga lang ang mga nakabasa ng comment na “Damn! Hope he doesn’t see this.”
Pinag-usapan din pala ang post ni Sarah nang mag-13th birthday ang eldest niyang si Zion. Marami ang na-touch sa eksena ng mag-ina na kinantahan ni Sarah at ng bunso niya ng happy birthday si Zion. Silang tatlo lang ang magkasama, nalungkot ang netizens, pero masaya naman ang mag-iina.
Aiko, pinasa kay onemig ang sagot sa kanilang kasal
Naiyak sa tuwa si Aiko Melendez habang kinukunan ng video ang anak na si Marthena Jickain sa launching nito at ng iba pang Star Worx talents ng TV5. May rason siyang matuwa dahil nagpakita ng husay sumayaw at sumagot ang anak sa tanong ng press.
Ang ganda nga ng eksena na after the launching, nagyakapan ang mag-ina habang nakatingin sa kanila ang mom ni Aiko na si Mommy Elsie. Proud din na na-share ni Aiko na magaling kumanta si Marthena at naggigitara rin. May talent ito, may tiket para pumasok sa showbiz at hindi matatawag na “nepo baby.”
May nakalatag nang project sa TV5 si Marthena, bawal pa lang sabihin. Gusto nitong gumawa ng romcom at bagay sa kanya. Pabor dito si Aiko, pero mas maganda rin kung pati ibang genre ay gawin ng anak.
Payag si Marthena na makasama sa project si Aiko at nang biruin ito na baka kainin lang niya sa aktingan ang anak, hindi raw mangyayari ‘yun. “Ibibigay ko ang para sa anak ko.”
Second year AB Development Studies student sa Ateneo de Manila University si Marthena at tila magpi-Pre-Law. Natawa si Aiko sa comment na baka pasukin din nito ang pulitika in the future at kapag nangyari ‘yun, mukhang hindi siya pipigilan ng inang konsehal sa kasalukuyan.
Anyway, first block ng Star Worx talents ang ni-launch last May 5, 2026, may mga susunod pa raw na block. In fact, ang daming TV5 talents ang dumating sa launching para sumuporta at sila na raw ang susunod na ilu-launch.
Natanong din namin si Aiko kung kailan sila papakasal ng “honey” niyang si Onemig Bondoc. Sagot nito, mas mabuti kung ang boyfriend ang tanungin at baka nga naman magkaiba ang kanilang sagot at pag-awayan pa nila.
Sa ngayon, masaya sila sa kanilang relasyon. “I finally find ng endgame,” sabi ni Aiko at hindi niya akalain na after 29 years, darating muli si Onemig sa buhay niya. Endgame ang title ng sinulat niyang kanta na siya rin ang kumanta at maririnig sa YouTube channel niya o nilang dalawa.
Sa comment na nagko-compose pala siya, “Dati, pasulat-sulat lang ako, hindi natatapos. Onemig made me do it. Siya ang rason kung bakit nakatapos ako ng isang kanta,” masaya nitong sabi.
Si Onemig din yata ang isa sa mga rason kung bakit ginusto nito to lose weight at sa ngayon, she weighs 123 lbs., na kinaiinggitan ng marami, lalo na ang mga nagda-diet. Kuwento ni Mommy Elsie, pakonti-konti na lang kumain si Aiko, kaya mabilis pumayat at active ang lifestyle.
- Latest




















