Andres, chill muna!

Inihahanda pa ang susunod na project ni Andres Muhlach.
Ito ang magiging follow up project niya pagkatapos ng kanyang matagumpay na musical theater debut sa Bagets The Musical na nag-iwan nang ‘massive effect’ sa mga tagahanga ng isa sa kambal nina Aga Muhlach and Charlene Gonzales.
Ngayon ay ini-enjoy ni Andres ang bonding sa pamilya na matagal-tagal niyang hindi nagawa dahil sa maraming trabaho late last year and early this year.
Sa wake ni tita Ethel Ramos, manager ni Aga, two years ago, unang nakita ng entertainment media si Andres. That time wala pa sa isip niya ang showbiz at hindi pa rin alam nina Aga at Charlene kung anong plano ng kakambal ni Atasha. Pero dumagsa ang offer na endorsement at nang mag-usap sila ng Viva, mabilis ang pangyayari.
Kaya ngayon understandable na chill muna siya after ng Bagets The Musical, isang pelikula at series na ginawa.
Nagba-biking sila ng amang si Aga, nagre-relax, base sa mga post ni Aga.
Kaya naman excited ang mga fans ni Andres sa kanyang next project.
Samantala, maganda ang paniniwala ni Andres sa kasikatan na tinatamasa niya sa kasalukuyan.
Aniya sa interview ng lofficielph.com, lalo na at galing siya sa pamilya ng mga Muhlach - showbiz royalty.
At ang kanyang pamilya aniya ang dahilan kung bakit siya nanatiling grounded. Pero hindi lang aniya ang kanyang pamilya, kundi ang Diyos. “Another thing that grounds me would have to be God. The biggest thing is prayer. I feel like if you’re always in check or in tune with your faith, naturally it will ground you and keep you stable. If you’re struggling with things or even if you’re flying high and things are going well, it’s always nice to say a prayer,” sabi niya sa exclusive interview ng lofficielph.com.
At nakakatuwa na sa kabila ng kasalukuyang panahon na masyadong moderno na ang karamihan, hindi nagbabago si Andres.
Mas masaya siya na kasama ang pamilya, lalo na raw ‘pag umaga na magkakasama silang nagkakape at nag-uusap-usap ng ilang oras.
“I really enjoy those mornings when I wake up and I don’t have work. I get to go downstairs and hang out with my parents. We get to update each other on what’s going on with life or work. I feel like that’s what really grounds me,” kuwento ni Andres na sa bansang Spain nag-aral ng college.
Ganito raw ang ginagawa ng kanyang mga magulang noon pa man, “being together just talking.”
Ang saya ng ganun. Kaya nga siguro, chill lang si Andres sa kanyang career.
- Latest

























