^

Pang Movies

KimPau, handa raw ikasal!

Nitz Miralles - Pang-masa
KimPau, handa raw ikasal!
Kim Chiu at Paulo Avelino
STAR/ File

Nababasa namin ang convo ng KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino tungkol diumano sa pagpapakasal ng dalawa sa ibang bansa.

Parang sigurado ang fans na may kasalang magaganap sa dalawa habang sila ay may world tour. Kaya raw pinasunod ni Kim ang siblings niya kung nasaan sila ni Paulo para sa kanilang kasal dahil gusto ni Kim na ma-witness ng kanyang mga kapatid ang kasal nila.

Sabi pa sa convo, pinasunod na rin ni Paulo ang parents niya kung nasaan sila ni Kim for the same reason. Kaya lang, walang photo ng parents ng aktor ang tsikahan ng fans, sa side ni Kim, may photos sila sa pagsalubong kina Paulo at Kim ng brother ng aktres na nasa abroad that time.

Kung may wedding, dapat may proposal at naganap ang proposal sa Paris. Kung natatandaan, nasa Paris si Paulo para sa shooting ng movie nila ni Nadine Lustre at nasa Paris din that time si Kim dahil kumuha ng short course.

Pero, sabi ng fans, nag-propose na si Paulo nang mag-dinner sila ni Kim at may engagement ring na suot daw si Kim. Sobrang kilig ng KimPau fans sa balitang ito na lahat nakaabang sa pagbabalik sa bansa ng KimPau para malaman kung totoong may kasal na nangyari habang sila ay nagwu-world tour.

Karamihan sa KimPau fans naniniwalang magpapakasal ang dalawa sa ibang bansa at pagbalik daw nila ay Mrs. Paulo Avelino na si Kim o Kim Chiu-Avelino na siya.

Juday at Ryan, magdadalawang dekada na!

Nag-celebrate ng kanilang 17th wedding anniversary ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong April 28. Sa Instagram ni Ryan, nag-post ito ng solo photos ni Judy Ann.

Sa black and white photo ni Judy Ann, nagpa-knock knock si Ryan. Sabi nito, “knock knock whos there: ihaw. ihaw who? Ihaw lang ang aking mahal Boom!”

Sagot ni Judy Ann, “E ‘yung kinanta ko?” Sagot ni Ryan, “hahaha, bwiset na LSS yan, Holy Week ko pa baon sa utak ko.”

Sa isa pang post ni Ryan ng colored photo naman ni Judy Ann, ang caption niya “palagi” na sinagot ni Judy Ann ng “hanggang sa huli.” Sagot ni Ryan, “oo eh.”

Ang song nina TJ Monterde at KZ Tandingan ang tinukoy ni Ryan na palagi na bagay sa kanilang dalawa dahil forever na silang together. Biniro si Ryan ng mga kaibigan na sobrang inlababo siya sa kanyang asawa na totoo naman.

May tatlong magagandang anak sina Ryan at Judy Ann, active pa rin sila pareho sa showbiz at successful ang pagiging restaurateur.

ASAP, ililipat na ng oras

Hindi na pala sa tanghali mapapanood ang ASAP dahil simula May 17, sa primetime slot na ang airing nito. Tuwing 5:30 p.m. sa Kapamilya channel, ALLTV, A2Z at KOL na siya mapapanood.

Bukod sa new timeslot, iba na rin ang title ng musical variety show dahil tatawagin na itong ASAPXP.

May mga nagtanong kung bakit inilipat ng timeslot ang show at siguradong may magandang rason ang mga nasa likod nito.

Kaugnay nito, sold-out ang tickets sa gaganaping ASAPXP sa Smart Araneta Coliseum sa May 10, 2026. Mahabang concert ito, mula tanghali hanggang gabi at magpi-perform ang lahat ng favorite ninyong Kapamilya talents.

 

 

KIM

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with