^

Pang Movies

Skusta at Flow G, sumali sa kakaibang relay...

Salve V. Asis - Pang-masa
Skusta at Flow G, sumali sa kakaibang relay...
Skusta

MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na paglulunsad noong 2025, opisyal nang sinimulan ng Puregold ang serye ng Hakot Relay 2026 sa Iloilo, na naghatid ng masiglang pambungad kasabay ng paghandog ng praktikal na suporta sa mga komunidad sa Visayas.

Idinaos noong Abril 26 sa kahabaan ng Sunset Boulevard, binigyang-buhay nito, sa pinagsamang kakaibang karanasan sa pagtakbo, at mga pagtatanghal mula sa mga paboritong talento ng hip-hop na sina Skusta Clee at Flow G. Bilang una sa tatlong nationwide stops ng Hakot Relay, hudyat ang Iloilo leg sa mas pinalawak na Hakot Relay ngayong 2026.

Dumayo ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, kabilang ang Bacolod, Cebu, Antique, at iba pang lugar sa Panay, upang makilahok sa mga aktibidad.

Para sa marami, higit pa sa simpleng pakikilahok ang kanilang karanasan, dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makakuha ng mahahalagang aytem mula sa groseri, sa panahong patuloy na nakaaapekto sa badyet ng mga pamilya ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Ibinahagi ni Vincent Co, president ng Puregold Price Club Inc., na sinasalamin ng inisyatibong ito ang patuloy na layunin ng kumpanya na makalikha ng mga programang nakasentro sa komunidad na may tunay na pakinabang para sa mga pamilyang Pilipino.

Kaiba sa karaniwang format ng mga karera, mas malalim ang kahulugan ng Hakot Relay sa kasaluku­yang panahon, kung kailan mas nagiging hamon para sa maraming Pilipino ang pang-araw-araw na gastusin dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo at iba pang kawalang-katiyakan.

Sa ganitong konteksto, nagsisilbi itong napapanahong tugon sa pangangailangan ng mga pamilya sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga tao sa isang sama-samang aktibidad habang binibigyan sila ng pagkakataong makapag-uwi ng mahahalagang gamit, ipinapakita ng inisyatiba ang diwa ng bayanihan at kongkretong suporta.

Ipinakita rin ng Iloilo leg ang patuloy na kakayahan ng Puregold sa pagdidisenyo ng mga karanasang on-ground, o malapit sa masa, kasunod ng tagumpay ng unang Hakot Relay noong 2025.

Maayos na isinagawa ang race waves, loot stations, at iba’t ibang on-ground activations upang matiyak na lubos na mararanasan ng mga kalahok ang aktibidad at ang mas malalim nitong layunin.

Tumawid sa finish line ang mga kalahok na may dalang finisher’s medals, grocery bags, at eksklusibong event merchandise, habang may ilang race waves ding nakatanggap ng mga sorpresang aytem sa kahabaan ng ruta.

Higit pa sa karaniwang event giveaways, nagsilbing kapaki-pakinabang na dagdag-suporta ang take-home items na maaari nilang magamit para sa pangangailangan ng kanilang mga tahanan sa mga susunod na buwan.

Habang nagpapatuloy ang seryeng ito, lalo pang pinagtitibay ng Puregold ang layuning tumugon sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon.  

SKUSTA CLEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with