^

Pang Movies

Nahawa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nahawa!
Ivana Alawi

Inamin ni Ivana Alawi na dream project niya itong Love Is Never Gone.

Kakaiba raw kasi ang papel na gina­gampanan niya rito dahil isa siyang chameleon na multilingual at iba’t ibang katauhan ang ina-assume. Nag-aral pa nga raw siya ng French, Japanese, Arabic, atbp.  “Pang-international,” sambit niya.

Puring-puri naman ni Joshua Garcia si Ivana sa pagiging professional.

“Sobrang maalaga siya, hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng nasa set,” kwento ng aktor.

Say naman ng sexy actress, nahahawa lang siya kay Joshua, na napakadali raw katrabaho at napakamatulungin, lalo na kapag meron siyang mahihirap na eksena.

“In every scene, ‘pag nahihirapan ako, tumutulong siya,” pagbabahagi ni Ivana sa ginanap na Blue Carpet Premiere.

Pareho naman silang namangha sa kanilang ginawa matapos mapanood for the first time ang fast cut sa celebrity screening.

Bongga Ka, ‘Day! may pa-audition!

The wait is over for Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical, kung saan bubuhayin nito ang kulay ng disco fever.

Muling inihahandog ng Newport World Resorts, kasama ang VIVA Communications and The Philippine STAR, para alalahanin ang musika ng legen­dary ‘70s Filipino band, Hotdog.

Ang Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical ay nakatakdang magbukas sa September 2026, at ang pagpili ng mga gaganap at bibida ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng produksyon.

Auditions are now open for performers of all genders, aged 18 and above, na kayang kumanta, umarte at sumayaw.

Ang first round ng auditions ay magaganap sa May 6 at the PETA Theater Center in Quezon City, at ang callbacks ay naka-schedule sa May 8.

Ang mga interested applicant ay kailangang mag-accomplish ng official audition form sa https://bit.ly/BKDTABMAudition on or before April 30 at 5 p.m., or until slots are filled.

Ang mga nakakuha ng slot ay makakatanggap ng audition schedule via email on May 3. Hindi sila tatanggap ng mga walk-in.

Itatampok sa palabas ang maraming character tulad ng mga bidang sina Annie, Romer and Burn, ganundin ang supporting characters tulad ng Iste Batungbakal, Toots and Aurora Pasion. Gagampanan din ng grupo ang iba’t ibang character na Coco Banana.

Ang rehearsals ay magaganap sa July to August 2026 sa PETA Theater Center and September 2026  sa Newport Performing Arts Theater.

Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical is scheduled to run from September to October 2026, with performances every Friday, Saturday and Sunday.

Babalikan din ng musical play ang ‘70s era sa Manila, na hango sa mga hit song ng iconic band – Hotdog.

Susundan nito ang kuwento ng isang ambisyosang sales clerk na palihim na pumapasok sa glamorosong disco scene upang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang fashion designer pero handa sa anumang magiging kapalaran.

Ang daming magagandang kanta ng Hotdog na hindi nawawala sa alaala ng mga mahilig sa musika.

Bukod sa Annie Batungbakal at Bongga Ka Day, kabilang sa patuloy na pinakikinggan sa Spotify ang mga kantang Manila, Panaginip, Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko, Pers Lab at marami pang iba.

Yes, nagbago man ang format sa pakikinig ang music, hindi nabura ang mga kantang nagbigay ng saya noong Dekada ‘70.

IVANA ALAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with