^

Pang Movies

Robin, reresbak sa primetime!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Robin, reresbak sa primetime!
Sen. Robin Padilla
STAR/ File

Tama kaya ang hula ng netizens na si Sen. Robin Padilla ang tinutukoy sa post ng JRB Creative Production na “May matinding Reresbak sa Primetime. Abangan!”

Ang pinagbatayan ng mga humulang si Robin ay dahil naka-highlight ang letters R at P sa mga salitang Reresbak at Primetime.

Pinaaabangan ang nasabing magbabalik sa action series ng Kapamilya Channel na Blood vs. Duty. Sina Richard Gutierrez at Gerald Anderson ang mga bida sa nasabing action series na pinupuri ang matitinding action scenes.

Kaya lang, hindi lahat natuwa sa balitang baka mag-guest si Robin sa Blood vs. Duty at ipinaalala ang mga sinabi raw ng senador noong hearing sa pagbawi ng franchise ng ABS-CBN at pumabor siya sa shutdown ng network.

Iba’t iba ang opinyon. May mga natuwa at excited kung si Robin nga ang tinutukoy na papasok sa action series. Makakatulong daw ito sa show, kaya kalimutan daw muna ang pagtatampo. Ayaw nga lang magpapigil ng mga hanggang ngayon nagtatampo pa rin sa senador at wish nila, ibang action star na lang ang kunin na guest.

Malalaman din natin kung sino si RP na nasa clue at kung si Robin nga ito, big comeback nga niya ito.

Aljur, dumami ang raket kahit sintunadong kumanta?!

Marami ang nang-ookray kay Aljur Abrenica na panay ang pagpo-post ng reels na kumakanta. Hindi naman daw ito singer, bakit panay ang kanta? May mga natawa pa sa reels video niya at may tumawag sa kanyang trying hard maging singer.

Pero, alam kaya ng mga nang-ookray sa kanya na marami ang kumukuha sa kanyang mag-show rito at sa ibang bansa? Hindi naman siguro siya kukunin kung sintunado siya at kung iilan lang ang alam na kanta.

Kung hindi siya marunong kumanta, hindi siya kukunin ng Hard Rock Cafe Manila to perform. Sa April 29, 2026 ang Aljur Abrenica Live at 1,500 pa nga ang entrance fee ng mga manonood. Marami ang nagku-comment na manoood sila dahil gusto nilang mapanood itong nagpi-perform.

Proud si AJ Raval sa gig na ito ni Aljur, ni-repost niya sa Facebook ang announcement ng Hard Rock Cafe at ang poster ng kanyang partner.

Speaking of Aljur, nagtatanong ang fans nito kung welcome na ba uli sa GMA ang aktor? Napanood nila ang guesting nito sa Family Feud with his family at wish nila, muling masundan ito.

Mas better daw kung kukunin uli siya ng network at isama sa mga ginagawa nilang action series.

Enrique, ‘di na ­binabanggit si Liza?!

Pinasalamatan ng fans ni Enrique Gil ang press dahil sa mediacon, walang nagtanong tungkol sa ex niyang si Liza Soberano. Sa solo interview nga sa aktor sa mediacon ng A Secret in Prague, hindi binanggit ang pangalan ni Liza nang tanungin sa mga ginawa niyang romcom series dati.

Former love team ang narinig naming binanggit ng isang reporter at alam naman kung sino ang gustong tukuyin. Kaya sa naglabasang interview kay Enrique, walang Liza na nabanggit.

Oo nga naman, wala nang banggitan ng ex at naka-move on na naman sila at pareho nang masaya. Pareho na rin silang producer at nagtayo ng productions. In fact, co-producer si Enrique ng series nila ni Andrea Brillantes under Slingshot Studios na kundi kami nagkakamali ay partner niya si Ranvel Rufino.

Dahil co-producer at first project ang A Secret in Prague, mas triple ang excitement at sipag to promote the series. Ramdam ang saya nito nang i-announce na streaming na ang series sa Netflix last Friday at bukas, Monday, ang premiere nito sa TV5 at 8 p.m.

Maganda ang review ng mga nakapanood na sa advance screening sa series at pati ang nakapanood sa Netflix. Kaya tiyak na mas gaganahan si Enrique na magprodyus pa ng more projects for TV5.

ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with