EA, inalala ang pinagmulan!

Nag-celebrate si Edgar Allan “EA” Guzman ng kanyang 20th year sa showbiz. Nagsimula nga raw ang lahat noong manalo siya bilang Mr. Pogi in 2006. Doon na raw dumating ang maraming oportunidad sa kanyang showbiz career.
“20 years ago. 20 years in the industry. and I’m still here, still dreaming, still grateful.
“Grabe, ang bilis ng panahon. Parang kelan lang nung nanalo ako ng Mr. Pogi 2006. From a simple dream to a journey full of lessons, wins, and challenges. Lahat ng ‘yan naging parte ng kwento ko. And above all, THANK YOU LORD for the guidance, talent, strength, and endless blessings. Lahat ng ‘to, para sa’yo,” post ni EA via Instagram.
Ilan sa career highlights niya ay ang pagganap niya sa mga pelikula kung saan nanalo siya ng acting awards tulad sa Ligo na U, Lapit na Me (2011) at Deadma Walking (2017).
Pero ang pinaka sa lahat ay ang pakasalan niya ang kanyang girlfriend of 12 years na si Shaira Diaz.
Katrina at Kris, nag-reset
“Reset friendship” daw ang nangyayari ngayon kina Katrina Halili at Kris Lawrence noong nakita silang magkasama sa El Nido, Palawan. “Reset po ng friendship. Kasi parang first time namin mag-bonding noon. Ngayon, nag-uusap kami, magkasama kami talaga nang matagal. Sa ngayon nag-e-enjoy lang kami sa company ng bawat isa,” paliwanag ni Katrina sa setup nila ng ex-boyfriend.
Tumatayong co-parents ang dalawa sa kanilang anak na si Katie at mabuti na rin daw na nagsimula sila ulit sa pagiging magkaibigan. “We’re doing this all for Katie. Where the road leads, we don’t know. But at least it’s fun. Hindi kami nagkabalikan. But like I’ve said, I’m really, really grateful for this time that we have together because honestly, when we became okay this year 2026, Katie has been probably the best that I’ve seen her,” sey ni Kris.
May usapan nga raw ang dalawa na kung single pa rin sila after 10 years, doon daw sila magkakabalikan.
Jack nicholson, nagparamdam
Nag-celebrate ng kanyang 89th birthday ang three-time Oscar winner na si Jack Nicholson at nag-share ang kanyang daughter na si Lorraine ng ilang photos sa Instagram Stories. Retired na from acting si Jack at bihira na raw itong magpakita sa maraming tao. Kaya ikinatuwa ni Lorraine na pumayag ito na i-post ang photos niya na may caption na “89!!”
Huling Hollywood movie na ginawa ni Jack ay ang 2010 romantic comedy na How Do You Know with Reese Witherspoon, Owen Wilson and Paul Rudd.
Hindi naman malilimutan ang classic movies ni Jack tulad ng One Flew Over The Cuckoo’s Nest, Easy Rider, The Shining, The Postman Always Rings Twice, Terms of Endearment, Chinatown, As Good As It Gets, Batman, A Few Good Men, Something’s Gotta Give and About Schmidt.
Sa kanyang five decade career, he earned three Oscars, three BAFTAs, six Golden Globes, a Grammy Award, an AFI Life Achievement Award, the Cecil B. DeMille Award and the Kennedy Center Honor.
- Latest























