^

Pang Movies

Derrick, bumida sa hazing!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Derrick, bumida sa hazing!
Derrick

Very timely at napapanahon ang pelikulang Neophyte ‘26 na pinagbibidahan ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio mula sa pamamahala ng Kapuso director na si Rommel Penesa na siyang nagdirek ng 2023 Metro Manila Film Festival movie na When I Met You in Tokyo na pinagbidahan ng perennial screen partners na sina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Ang pelikula ay may kinalaman sa hazing ng ilang estudyante para maging bahagi ng isang fraternity ng isang unibersidad.

Si Derrick ay gumaganap sa papel na Ned na isang dedicated student mula sa isang ordinary pero mapagmahal na pamilya sa probinsiya. Na-recruit ng isang frat master na ginagampanan ni Jon Lucas na kamuntik niyang ikamatay pero ang kapanabayan niyang estudyante ay namatay.

Kapupulutan ng aral ang pelikula hindi lamang ng mga estudyante kundi laluna ng mga magulang at mga mamumuno ng paaralan kung saan sakop ang kanilang mga estudyante.

Ice, bubuhayin ang pagdating...

Twenty-five years ago in 2001 ay pumaimbulog ang awiting Pagdating ng Panahon na magkatulong na kinompos nina Moy Ortiz (ng The CompanY) and former record and music executive na si Edith Gallardo at binigyan ng buhay ng 18-year-old noon, ang dating child star na si Aiza Seguerra who reinvented herself bilang singer at musician.

Walang ideya noon si Aiza (now Ice Seguerra) na magkakaroon siya ng panibagong career (bilang singer-musician) nang kanyang i-record ang awiting Pagdating ng Panahon under Vicor Music under Viva Music na isa na ngayong OPM classic hit na popular pa rin sa pagdaan ng maraming taon.

Tatlong taong gulang pa lamang noon si Aiza Seguerra nang siya’y sumali sa popular segment noon ng noontime show na Eat Bulaga (EB), ang Little Miss Philippines. Matapos manalo, naging bahagi siya ng nasabing noontime program sa loob ng 10 taon, making her the youngest co-host ng programa with Tito, Vic Sotto & Joey de Leon as the main hosts.

Na-identify rin noon si Ice bilang anak ni Vic Sotto dahil sa kanilang top-rating and long-running weeky sitcom noon, ang Okay Ka, Fairy Ko! kung saan gumaganap na Aiza Kabisote si Ice, anak ni Enteng Kabisote na ginampanan nga ni Vic.

Hanggang sa paglaki ni Ice ay itinuring niyang pangalawang ama ang veteran host, singer, actor-comedian at producer na si Vic at parang sariling anak naman ang turing ng mister ni Pauleen Luna sa kanya.

Dahil sa association ni Ice sa programang EB at kay Vic, never pa itong nag-guest sa anumang katapat na programa nito bilang respeto at pagtanaw niya ng utang na loob.

Although hindi na nagma-manifest noon ang passion ni Ice sa pagkanta, ginulantang niya ang publiko when she recorded Pagdating ng Panahon at naging malaking hit. And 25 years later, muling nagkaroon ng music collobration ang Vicor Music at Fire & Ice Production (na pag-aari mismo ni Ice at ng kanyang partner na si Liza Diño) para sa bagong recording and arrangement ng nasabing kanta na magkakaroon ng press launch and live concert sa araw na ito (April 24) sa Viva Café in Quezon City.

Aminado si Ice na nabago umano ang takbo ng kanyang buhay at career nang sumikat nang husto ang awiting Pagdating ng Panahon na naging daan ng kanyang kabi-kabilang concerts hindi lamang sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Gayunpaman, hindi pa rin niya tinatalikuran ang kanyang acting career although mas in demand na siya ngayon bilang mang-aawit at concert performer.

DERRICK MONASTERIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with