^

Pang Movies

Sid, pwede kahit saan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sid, pwede kahit saan!
Shaina Magdayao, AiAi delas Alas, JM de Guzman at Sid Lucero

First time nagkasama-sama nina AiAi delas Alas, JM de Guzman, Shaina Magdayao sa upcoming TV5 series na My Bespren Emman at sobrang thankful sila na ipinahiram sila ng kani-kanilang mother network.

Ani AiAi sa back-to-back mediacon ng My Bespren Emman at A Secret in Prague na ginanap kahapon, “ako, it’s a blessing na pinayagan ako ng GMA to work sa TV5. Thank you nga kasi sabi nga, ‘every work is a blessing.’ And thank you, TV5 for accepting us, accepting me na makatabaho ko kayo.”

Sabi naman ni Shaina, nagpapasalamat din siya sa ABS-CBN na ipinahiram din siya pero anuman daw ang mangyari ay mananatili siyang Kapamilya.

“Nagpapasalamat din po ako na naipahiram ako, kami ni JM ng aming mother network (ABS-CBN). But I think, dumating na rin po sa point ng buhay ko bilang isang tao at saka bilang artista na kahit saan siguro ako magtrabaho, kahit saan ako dalhin ng career ko, hindi na mawawala sa DNA ko ang pagiging Kapamilya,” ani Shaina.

“Hindi lang si Shaina na artista kundi si Shaina bilang tao kasi siyempre, sila ‘yung station na nag-raise sa akin. Ako ay kung sino ako dahil din sa ABS-CBN, so I’m grateful dahil napahiram ako because like what I said, this is an answered prayer. Hindi basta-basta ‘tong materyal na ‘to. Gusto ko talagang gawin ‘to and may mga ‘Emman’ din na kumausap sa akin to make this happen,” dagdag pa ng aktres.

Sey naman ni JM, habang ginagawa nga raw nila ang serye ay naise-set aside na kung saang network sila nanggaling dahil sa ganda ng materyal.

“Ang ganda ng storya, ang ganda ng oportunidad na maging parte ka, maging storyteller, na maibahagi mo ang ganitong istorya and makatrabaho mo ‘yung mga passionate na tao from the crew, the staff, to the directors, to the creatives, nakakatuwa lang po na magtrabaho ng ganu’n,” sey ni JM.

Of course ay nagpaalam din daw siya sa ABS-CBN at thankful din siya na pinayagan siya.

Si Sid Lucero naman daw ay freelancer at pwede siya sa kahit saang network and at home rin daw siya sa TV5.

Ang My Bespren Emman ay co-produced ng Numinous Narratives at Spring Films, sa direksyon ni Derick Cabrido at Jerome Pobocan. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng A Secret in Prague simula sa April 27.

SID LUCERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with