Andres at Kai, ayaw tantanan!

Pinagselosan pala ng AshDres fans nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga at fans nina Kai Montinola at Kyle Echarri nang magkasama sila sa Bench Fashion Show.
Lalo na nang may mag-post ng photos ng dalawa at i-point out na malakas ang kanilang chemistry.
May nagtanong agad kung paano na si Ashtine at si Kyle. Nasundan pa ‘yun ng hate comments laban kay Andres. Sagot sa nagtanong kung paano na si Kyle, iniwan na raw dahil kay Andres.
May na-turn off pa kay Andres dahil hindi raw nilinaw ang isyu sa kanila ni Kai (dati na palang may nagsi-ship sa kanila) at dinagdagan pa sa paglabas ng photo nila ni Kai sa Bench Fashion Show. Pati pag-akbay ni Andres kay Kai, isyu rin.
Grabe rin ang ibang comment na super foul na.
‘Kaloka! dahil lang sa photo at mga comment na bagay sina Andres at Kai, na-bash na ang dalawa. Bawal na pala magpakuha ng picture ‘pag may ka-love team ka.
Shuvee, back-to-back kina dingdong at Alden!
Marami na naman ang nagsasabing favorite ng Sparkle GMA Artist si Shuvee Etrata dahil sunud-sunod ang project sa GMA. Hindi pa man airing ang The Master Cutter, nasa cast na agad siya ng Code Gray na magkasunod ang airing.
Kung sa The Master Cutter, si Dingdong Dantes ang makakasama niya, sa Code Gray ay si Alden Richards naman. Tanong ng bashers ni Shuvee, wala na raw bang ibang artista ang Kapuso at puro si Shuvee na lang ang kina-cast?
Pero dahil masaya si Shuvee sa nangyayari sa kanyang career, deadma ito sa bashings. Excited ito sa dalawa niyang series at sa magiging role niya sa Code Gray bilang isang nurse.
Dream pala nitong maging doctor at nag-enroll nga ng Bachelor of Science in Physical Therapy sa Cebu Doctor’s University at plano niyang kumuha ng Medicine after. Hindi na natuloy dahil nag-showbiz na siya at ngayon, gaganap sa role ng isang nurse.
Isa pang inirereklamo ng bashers kay Shuvee, lagi raw nire-report ng GMA ang mga ganap nito at dahil marami siyang ganap, halos araw-araw may balita sa kanya.
Anyway, marami pang project na darating kay Shuvee, kaya tuluy-tuloy rin ang bashing sa kanya. Mabuti na lang at nakahanda lagi ang supporters nito na ipagtanggol siya sa kanyang bashers.
Ang The Master Cutter pala ay sa May 11, 2026 na ang premiere at sa August naman this year din ang airing ng Code Gray, magkasunod nga ang airing sa primetime ng series na kasama si Shuvee.
AiAi, nagpasalamat!
Nagpasalamat si AiAi delas Alas sa GMA for allowing her to accept TV5’s inspirational and family drama na My Bespren Emman. May kontrata siya sa Kapuso Network, pero dahil wala pa naman siyang show, tinanggap ang offer ng TV5.
Ang ganda ng review ng mga nakapanood sa pilot week, mula sa story, cast, directors at execution ng mga eksena, nagustuhan. Ang ganda ng mensahe ng story na ‘wag bibitaw sa paniniwala sa Diyos lalo na kapag may problema at sa mga nangyayari ngayon sa bansa.
Sa direksyon nina Derick Cabrido at Jerome Pobocan, sa April 27, 2026 na ang premiere nito, 8:45 p.m., sa TV5. Maganda rin ang OST ng series na Hesus Ng Aking Buhay na ang lyrics at music ay gawa ni Fr. Arnel Aquino and performed by Carmela Lorzano and Rouelle Cariño.
- Latest



















