Julia, buntis daw!

Totoo kaya ang tsismis na buntis si Julia Montes sa kasalukuyan kaya hindi na umano ito kasama sa seryeng Sigabo na pagsasamahan nila ng real-life partner na si Coco Martin?
Sa programang Cristy Ferminute sa True FM 105.9 ngayong araw (Monday) ay sinabi ng host na si Cristy Fermin na usap-usapan nga raw ngayon ang nasabing tsika.
“Ang daming nagtatanong sa teaser pa lang, ‘bakit wala na si Julia Montes sa Sigabo ni Coco Martin?’ Eh hindi ba, may mga lumabas nga namang materyales na magkasama sila, magkaeksena, bakit biglang wala na?’ simula ni ‘Nay Cristy.
“At ‘eto na nga po, matindi pong pinag-uusapan ngayon sa loob at labas ng showbiz na ang dahilan nga po kung bakit papalitan na si Julia Montes sa Sigabo, ang bagong serye ni Coco Martin, ay dahil sa kanyang pagdadalang-tao,” dagdag ng batikang manunulat.
“Wow, blessing! Nakakatuwa naman,” masayang sambit naman ng co-host niyang si Romel Chika.
Sagot naman ni CSF, “oo, a baby’s always a blessing, ‘di ba?”
Patuloy pa niya, open secret naman daw noon pa ang tsismis na may mga anak na diumano sina Coco at Julia.
“Nahahalata na rin naman, wala na ring maaaring itago pa at open secret naman ‘yun, dati pa. ‘Di ba, sabi nga ni Willie Revillame, ‘O, Julia, Coco, salamat sa inyo, kumusta sa mga anak n’yo.’ Sabi ni Kuya Will, ‘di ba?” aniya.
“At kung totoo man po ay wala naman pong masama dahil magkarelasyon naman sila at malay nga natin, baka nga kasal na,” dagdag pa ni ‘Nay Cristy.
At ang tsika pa raw ay mukhang si Angel Locsin ang papalit kay Julia sa Sigabo although wala pa namang kumpirmasyon ito.
“Ang balita ay si Angel Locsin daw ang ipapalit yata? O pipili ng iba pa. Dahil si Angel, hindi pa rin naman nakahanda, ‘di ba,” sey ni ‘Nay Cristy.
Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Coco at Julia o sinuman sa kampo nila sa balitang ito.
Kim, emosyonal
Naging emosyonal si Kim Chiu sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa It’s Showtime nitong Lunes.
Matapos ang kanyang birthday performance ay natanong siya ng co-host na si Karylle kung ano ang kanyang ultimate birthday wish.
“My ultimate birthday wish is ultimate happiness,” saad ng aktres at nagsimula nang maging emosyonal.
“I’m so happy and I’m so grateful dahil everyday binibigyan niyo ako ng chance to redeem myself and to be better in front of madlang people. Kahit ano ang ibato sa akin lumalakas ako,” patuloy niya.
“Wala talagang perfect pero binibigyan niyo ako ng paulit-ulit na pagkakataon. Sa ABS-CBN, sa Showtime, sa lahat ng mga nagtitiwala at nagmamahal sa akin though hindi ako super galing in everything I do, pero paulit-ulit nila akong sinusuportahan. Kaya I reach my ultimate happiness because of you,” dagdag pa ni Kim.
Kim just turned 36 last Sunday, April 19.
- Latest

























