^

Pang Movies

Kris, may endorsement na ulit!

Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, may endorsement na ulit!

MANILA, Philippines — Pumapag-ibig na nga si Bimby Aquino. Mismong ang mommy niyang si Kris Aquino ang nag-share ng photo nina Bimby na may kasamang petite girl. “Happy Birthday Bimb!,” lang ang caption ni Kris sa nasabing photo. Nineteen years old na si Bimby last April 19.

Nakaakbay ang bunsong anak ni Kris sa girl pero may takip ang mukha nitong puso na kulay pink.

Kanya-kanya ng hula ang followers ni Kris. Pero ang daming humula na si Cassandra Ynares ‘yun. Halos pareho kasi ang haba ng buhok nila at parang pareho rin ang shape ng katawan.

Si Cassandra ay eldest daughter nina Antipolo Mayor Junjun Ynares and Andeng Ynares.  But sadly, hindi si Cassandra ang nasabing girl ayon sa isang reliable source. “That’s a different girl. It’s not Cassandra,” sagot ng ka-chat ko.

So sino kaya ang first love na ito ni Bimby?

Samantala, parang anytime ay lalabas na ang endorsement ni Kris at dalawa niyang anak na sina Joshua and Bimby para sa isang health insurance.

May pa-hint na si Atty. Gideon Pena. Na-link siya noon kay Kris pero ngayon ay executive ng iCare.

Vice, pinipilit nang kumandidato!

Bakit kaya may nang-iintriga kay Vice Ganda na diumano’y nagkasakit siya kaya halos isang buwang nag-absent sa It’s Showtime? May binabanggit pang sakit diumano ni Vice pero we doubt.

Super healthy looking siya at nagbakasyon lang daw talaga sabi ng ilang malalapit sa kanya.

Samantala, nabuhay na naman ang wish ng iba na kumandidato na talagang presidente ng bansa si Vice Ganda.

Bagay daw talaga sa kanya. Ito ay matapos siyang magbigay ng ayuda sa mga jeepney driver na sumali nsa Laro Laro Pick last Saturday. “Lahat kayo, bibigyan ko rin ng tig-limang libong piso! ‘Wag kayong susuko. God bless you.”

Kasabay nito ay nanawagan din si Vice sa mga opisyal ng gobyerno na gamitin ang kanilang mga resources para naman matulungan ang mga driver, dahil sila ang pinaka apektado ng krisis. “Sana lang nanonood ang pamahalaan. Marami pong Pilipinong ganito ngayon, nawalan ng trabaho dahil sa taas ng presyo ng gasolina, lalong-lalo na ang mga driver. Sila ang unang tinamaan ng krisis na ito, hindi na makapasada.”

True naman. Sa kasalukuyan ay nawalan na talaga ng traffic dahil sa mahal na presyo ng gasolina.

Ang mga dating namamasada at kumikita kahit papaano ay tumigil na dahil wala rin naman silang naiuuwi sa kanilang pamilya.

Darren, nagtiis sa damuhan dahil kay Justin

Nagtiiis sa damuhan si Darren Espanto para kay Justin Bieber.

Sa kanyang caption ay sinabi niyang “Since I was a kid and it finally happened today,” habang nasa video si Justin Bieber.

Dagdag pa ni Darren : “Worth it ang pag upo ko sa damuhan ng tatlong oras.”

Kung sabagay, si Billie Eilish nga natupad din ang pangarap nang paakyatin siya sa stage ng Coachella.

Itinulak at hinila nila Justin at misis niyang Hailey Bieber ang superfan na si Billie sa stage ng Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio, California noong Sabado ng gabi at pinaupo habang kinakanta ni Justin ang One Less Lonely Girl bilang pag-alala sa kanilang unang pagkikita sa festival noong 2019.

Makikita na panay ang iyak ni Billie habang niyayakap ni Justin.

BIMBY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with