^

Pang Movies

JM, pinapayat ni Donna; Piolo, sinugalan si Shaina!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
JM, pinapayat ni Donna; Piolo, sinugalan si Shaina!
Shaina Magdayao at JM de Guzman

Supportive jowa si Donnalyn Bartolome kay JM de Guzman na bida sa My Bespren Emman, ang paparating na drama-action serye na mapapanood sa TV5 starting Abril 27.

Umiiwas actually si Donnylyn na magpa-interview sa ginanap na preview ng three episodes ng My Bespren Emman pero nang tawagin naman namin ay nag-react siya. “Naluluha ako. Siyempre, masaya ako sa project na ito kasi napapalapit si Juan Miguel kay God,” umpisang sabi niya paglabas ng sinehan.

“Kapag pinapanood ko siya, nagiging emotional ako sa kanya,” dagdag niya.

At siya pala ang naging ‘nutritionist’ ni JM kaya ito pumayat. “Na-achieve na niya, hindi na siya overweight because iba-iba ang katawan ng mga tao. Hindi ibig sabihin na ga-gain sila ng weight, hindi naman ibig sabihin na pinapabayaan nila. Sometimes, may mga ibang conditions ang mga tao, that’s why ganun. It’s just discipline as well.”

So far, 15 lbs na ang nabawas kay JM dahil nga tinututukan ni Donnalyn ang kanyang mga pagkain.

Samantala, isa sa mga producer ng My Bespren Emman ang Spring Films, ang kumpanya ni Piolo Pascual.

Ayon kay Direk Derick Cabrido “isa si Piolo sa mga tumulong sa amin na nabuo ang buong casting ng serye.

“Well, unang-una siyempre pinag-uusapan namin sina JM, Shaina (Magdayao), si nanay AiAi... Tumutulong talaga sina PJ from Spring Films na buuin ang cast.”

Kaya naman ginawan ng anggulong ginastusan at pinagkaabalahan ni Piolo si Shaina na sabi naman ay answered prayer sa kanya ang My Bespren Emman.

Maaalalang nagkaroon ng time na diumano’y may relasyon sina Papa P at Shaina. Pero hindi naman ‘yun nagtagal at nag-deny si Shaina.

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with