^

Pang Movies

Pancho, nasa Viva na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pancho, nasa Viva na
Pancho Magno

Pumirma na ng ma­nagement contract sa Viva Artists Agency si Pancho Magno at winelcome siya with this message: “Pancho Magno is the newest addition to our growing roster of stars.

“Welcome to VAA, @magnopancho! We’re looking forward to a lot of exciting projects with you!”

Kabilang sa nag-congratulate kay Pancho ay ang ex niyang si Max Collins at sinagot ‘yun ni Pancho ng three red heart emojis.

Naging daan ang pagko-congra­tulate ni Max at pagsagot ni Pancho para mag-wish ang fans na magkabalikan sila. Perfect pair daw sila at lubos na matutuwa ang anak nilang si Skye kung makukumpleto ang kanilang pamilya. Although, maayos ang co-pa­renting setup nina Max at Pancho, magkakasama sila kapag may school activity ang kanilang anak, pero iba raw kung magkasama sila sa iisang bahay.

Nag-congratulate rin ang mom ni Pancho na si Redgie Magno at sabi, “Congratulations anak.” Nag-congratulate rin ang mga kaibigan ni Pancho at ang fans, wish nilang magkaroon ng project sina Pancho at Max.

Vic at Bimby, nag-reunion

Nagkita sina Vic Sotto at Bimb Aquino sa 20th anniversary ng Divina Law, kinunan sila ng photo ni Pauleen Luna-Sotto at nag-agree ang netizens sa kanyang caption sa photo.

Post ni Pauleen, “Bimby is already taller than Vic! So nice to see you! Always so respectful and kind @krisaquino.”

Inalala ng fans na minsang nagkasama sina Vic at Bimb sa pelikulang My Little Bossing, bata pa noon si Bimb at box-office hit ang movie na ‘yun. Parang gusto ng netizens na muling mapanood sa pelikula si Bimb, sana raw kunin siya ni Vic.

Kung mababasa ni Kris ang comment sa post ni Pauleen, matutuwa siya dahil puro positive ang sinasabi. “Nice young man. Kris raised them well,” “Mukhang sweet at mabait talaga si Bimby” at “Bimby feels like my own son. It’s like I want to protect him against the bashers.”

 

PANCHO MAGNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with