^

Pang Movies

Jake, nag-hard launch kay Rabiya!

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng mga tagahanga ang pag-post ni Jake Cuenca ng litrato nila ni Rabiya Mateo sa kanyang Instagram Story kung saan magkatitigan sila.

Tila hard launch na raw iyon at halata raw ang pagka-in love ni Jake sa Miss Universe 2020. Hindi naman daw masisisi ang aktor dahil dyosa naman daw kasi talaga si Rabiya.

Habang may bashers naman nag-nega sa relasyon ng dalawa na ang bilis daw napalitan ni Jake ang ex niyang si Chie Filomeno, na na-link sa businessman na si Matthew Lhuillier pero ngayon ay break na raw.

Kinontra naman iyon ng ibang fan na hayaan na raw ang mga ito at maging masaya na lamang para sa kanila. Tigilan na raw ang pag-nega dahil bagay naman daw sina Jake at Rabiya.

Mukhang pareho nga raw na in love na in love ang dalawa sa isa’t isa base sa kanilang body language na para raw agad honeymoon stage na.

May mga nag-wish na sana nga raw ay huwag nang maghiwalay ang dalawa dahil may kilig daw ang mga ito.

At sa latest post ni Jake ay si Rabiya na tumatakbo habang tinitingnan ang kanyang sariling standee.

RABIYA MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with