Max, ayaw maging stage mom

Papayagan daw ni Max Collins na mag-artista ang anak nila ni Pancho Magno na si Skye sa panahon na hindi niya kailangan maging stage mom dito.
“I feel like kapag medyo malaki na siya, when he can take care of himself. Kasi I don’t want to be the nanay na nag-aantay, nagagalit, ‘Ano’ng oras na? Ano ba ‘yan, ilang eksena pa ba?’ I don’t think I wanna be that mom,” tawa ni Max.
Ramdam ng Sparkle actress na may hilig na sa showbiz si Skye dahil nakiki-memorize daw ito ng script nila ni Pancho.
“He’ll memorize it, he’ll hear us memorize, and then parang nagme-memorize din siya. So feeling ko, eventually, lalabas din ‘yung interest niya,” sey ni Max.
Kung noon daw ay mahiyain si Skye pagdating sa pagpapa-picture. Ngayon ay sumasama na ito.
“He’s like, ‘Can I be part of the picture? Are they my fans, mommy?’ He likes it, he likes it, the thought. And he’s very bibo kasi,” sey pa ni Max na mapapanood sa Master Cutter with Dingdong Dantes.
Ketamine Queen, nasentensyahan na
Nakamtan din ang hustisya ng pamilya nang pumanaw na Friends star na si Matthew Perry.
Sinentensyahan for 15 years in federal prison si Jasveen Sangha, ang nagbenta ng drug na ketamine kay Perry na naging dahilan ng pagkamatay ng aktor noong 2023 sa edad na 54.
Ayon sa court report: “In August 2025, Sangha agreed to plead guilty to five federal criminal charges: one count of maintaining a drug-involved premises, three counts of distribution of ketamine, and one count of distribution of ketamine leading to death or serious bodily injury.”
Tinawag si Sangha na “Ketamine Queen” dahil sa pagbenta niya illegally ng naturang droga at isa si Perry sa kanyang naging kliyente ng ilang taon.
- Latest

























