Veteran actor, sobrang pasaway sa taping!
Ilag ngayon ang production staff kay veteran actor dahil sa natatakot silang baka hindi na ito bumalik sa taping.
Hindi nila akalaing, ang tindi pala ng attitude nito sa taping ng drama series na ginagawa nila.
Ang dami raw isyu sa co-actors, at pati sa production staff.
Pinagtitiyagaan na lang daw nila dahil mahalaga ang role sa kuwento.
Kaya tinitiis na lang nila ang mga reklamo at iba pang hanash nitong si veteran actor.
Minsan daw ay may eksena sila kasama itong bidang aktres na bago pa lang sa pagteteleserye.
Ilang tuhog daw ‘yun na eksena at nung inilatag ito kay aktor, parang ayaw pa raw gawin.
Ang palusot niya, itong si baguhang aktres. Kakayanin daw kaya ito ni aktres, e bago pa lang siya sa ganung aktingan.
Baka raw magkalat si baguhang aktres.
Subukan na lang daw, sabi ng assistant director.
Ang ending, itong si veteran actor pa ang nagkamali-mali.
Kinabisado at pinaghandaan pala ni baguhang aktres ang mahabang eksenang ‘yun, kaya maayos niyang nagawa.
Si veteran actor pa ngayon ang nagkalat.
Pero tuloy pa rin daw sa kanegahan itong si aktor na nai-imbibe pa niya minsan sa ibang katrabaho.
Malamang na hindi na masusundan ng project itong si veteran actor na malapit nang isumpa ng mga staff na katrabaho niya.
- Latest




















