^

Pang Movies

Isabel, si Heart ang nagreto kay John Prats

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nahiyang inamin ni Heart Evangelista na ang dati niyang ka-loveteam at naging boyfriend noon na si John Prats ang kanyang “first love.”

Binalikan ni Global Fashion Icon ang naging relasyon nila ng aktor at kung gaano pa sila kabata noon.

“Looking back and when I saw him again, I realized that I think I dethroned him by giving him the title of first love kasi pinaiyak niya ako. Brutal kami sa isa’t isa, so inisip ko, hindi naman ‘yun pagmamahal kasi parang brutal kami. Kasi we grew up together, six years of my life. From 13 to 20,” sey ni Heart.

Si Heart pa raw ang nagpakilala at naglapit kay John sa naging asawa ng aktor na si Isabel Oli.

“Nag-uusap pa lang sila and nag-te-taping kami together ni Isabel Oli, and pini-pair ko sila,” ngiti ni Heart.

Samantala, sinabi rin ni Heart na hindi pa nila napag-uusapan ang posibilidad ng reunion ng G-Mik!, ang teen series na pinagbidahan nila noon sa ABS-CBN 2.

“Never ko talaga naisip ‘yon until sa dumating siguro ‘yung moment na nag-reconnect kami nila Angelica (Panganiban), nila John. Malay natin, you never know.”

Ilan pa sa nakasama sa G-Mik! ay sina Camille Prats, Carlo Aquino, Stefano Mori at Miko Samson.

Ahtisa, senti sa pagbabu ng korona

Nagiging sentimental na raw si 2025 Miss Universe PH Ahtisa Manalo dahil malapit na niyang ipasa ang kanyang korona sa susunod na reyna.

“Ine-enjoy ko muna. May konting oras pa. Naka-display na siya sa cabinet ko. Every time papasok ako, andun ‘yung crown. Parang nagsisimula na ‘ko maging senti, nag-e-emote na ‘ko, ‘pag nagda-drive ako pauwi, ini-imagine ko, ‘ang tagal ko pinagtrabahuhan ‘to,’” sey ng beauty queen.

Sa May 2 na ang coronation night ng 2026 Miss Universe PH at pinaghahandaan na ito ni Ahtisa. Sa papasahan daw niya ng korona, sana raw ay gumawa rin ito ng maraming magagandang alaala at aral sa buhay dahil iyon daw ang isa sa simbolo ng korona.

Kelan lang ay pinasok ni Ahtisa ang showbiz at marami siyang natanggap na positive feedback sa pagganap niya bilang ang makapangyarihang si Bathalumang Haliya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Justin, inumpisahan na ang comeback

After four years, nagbalik sa pag-perform on stage si Justin Bieber.

Sinimulan ng 32-year-old Canadian popstar ang pag-perform sa dalawang top-secret stops at iconic L.A. clubs, the Roxy and the Troubadour. Surprise performance niya iyon sa mga nasa naturang clubs.

Ngayon ay mag-headline siya sa Coachella for two nights at kung saan binayaran siya ng $10 million.

“It’s being called the beginning of his comeback, and there were even reports he’s recording his performance for a Netflix documentary,” ayon sa report ng Extra.

JOHN PRATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with