Jake at Rabiya, laging may paayuda

Pinakilig na naman nina Jake Cuenca at Rabiya Mateo ang kanilang fans sa sagutan nila sa Instagram. Hindi pa nag-a-“I love you” ang dalawa, nagku-comment lang sila sa post ng bawat isa at nagla-like pero kinikilig na ang shippers nila.
Nag-post kasi si Jake ng pasasalamat sa Tag Media Chicago sa Best Actor na napanalunan para sa What Lies Beneath at nag-comment si Rabiya.
Post ni Jake, “Thank you very much @tagmediachicago, for this award. I’m truly overwhelmend with gratitude.
“Portraying Edong in What Lies Beneath has been one of the most challenging and meaningful experiences of my career. This role pushed me, changed me, and reminded me why I love what I do.
“To our directors, writers, and the entire team... maraming salamat for trusting me with this character it was truly an honor.
“To my fellow cast, and to everyone who supported and connected with Edong... thank you from the bottom of my heart @rcdnarratives.
“I offer this to God, and I share this with all of you.”
After ng Tag Chicago, si Rabiya agad ang nag-comment at sabi, “Congrats! So proud of you.” Mabilis ang sagot ni Jake na “@rabiyamateo this made my day. It means a lot coming from you.”
Natutuwa ang fans na madalas daw magbigay ng ayuda ang isa sa new showbiz couple at hindi na nila kailangang maghingi at mag-abang ng matagal.
Just recently, sa video ng isang netizens na nakunan sina Jake at Rabiya habang nasa Powerplant ang nagpakilig sa kanila. Holding hands while walking ang drama ng dalawa na masayang nag-malling.
Paghuhubo ni Joseph, sinumbong kay Rhen
Natawa kami sa sumbong ng fan kay Rhen Escaño tungkol kay Joseph Marco na nag-post ng reels suot ang ini-endorse na Handford brief. Parang excited na ang fan na tinag si Rhen with her comment na “mowm @realren naghuhubo si dawd.”
Pati ang ibang nakabasa sa comment, natawa na exagg lang dahil hindi naman talaga hubo ang leading man sa Viva One series na My Husband Is A Mafia Boss. May suot na brief ang aktor at may reklamo ang netizens, bakit daw naka-side view lang si Joseph, bakit wala siyang pose na nakaharap.
Anyway, bukas na, April 11, 2026 ang streaming sa Viva One ng nabanggit naming series na first time pinagtambalan nina Joseph at Rhen. Nagkaroon ng special advance screening sa Robinsons Galleria noong April 9, ang series, na lalong nagpa-excite sa fans.
Ang sipag mag-promote ni Joseph ng series nila ni Rhen at may pa-countdown pa siya hanggang sa date ng streaming ng My Husband Is A Mafia Boss.
Huwag... naka-R-13
Matutuwa nito ang may edad na13 years old pataas na gustong mapanood ang horror film na Huwag Kang Titingin, makakapanood sila dahil nabigyan ang movie ng R-13 rating ng Movie and Television Review and Classification Board.
Welcome ang mga bagets to watch the said movie na opening day sa April 15 in cinemas nationwide.
Ang paalala ng GMA Pictures sa moviegoers: Isama ang buong barkada at pamilya sa takutan.
Tampok sa Huwag Kang Titingin sina Sofia Pablo at Allen Ansay, kasama sina Charlie Fleming, Marco Masa, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino and Michael Sager, with the special participation of Shuvee Etrata. This is directed by Frasco Mortiz.
- Latest

























