^

Pang Movies

Edu, pinayuhang magdemanda!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Edu, pinayuhang magdemanda!
Edu

Pinayuhan ni Arnold Clavio si Edu Manzano to file a case at susuportahan niya dala ito ng fake news na lumabas sa isang troll pages na pumanaw na si Edu. Nakasulat sa news ang “Edu Manzano, nagpaalam na” at may kasama pang kabaong. May picture pa ni Cong. Vilma Santos na umiiyak.

Sa picture pa lang ni Vilma na umiiyak, fake na fake na dahil sobrang matagal nang hiwalay sina Vilma at Edu at si Executive Secretary Ralph Recto na ang husband ni Vilma. Si Edu naman, may Ann Cuisia na ngayon.

Pinost ni Edu sa kanyang Instagram ang fake news at nilagyan ng “Fake News Alert.” May paalala rin siya sa nasa likod ng fake news na “Don’t Kill People For Content. Fake news has real consequences. Do better.”

Sa caption, nag-comment si Edu ng “Ang aga naman ng libing ko. Wala pa akong schedule. Next time, paki-confirm muna bago ako patayin online. Tenk you.”

Dito na nag-suggest si Arnold na magdemanda si Edu at napa-comment si Alex de Rossi ng “Ano ba yan” at may nag-comment na mas hahaba pa ang buhay ni Edu at ang nagpakalat ng fake news pa ang mauunang pumanaw.

Samantala, may pinost si Edu na sinang-ayunan ng kanyang followers. Sabi nito, “I don’t discuss personalities. Issues ang focus ko.” Sinundan ng “Hindi ako interesado sa intriga. Hindi ako interesado sa pangalan. Ang usapan natin Corruption. Accountability. Public service. Kung makikipag-debate kayo, pag-usapan natin ang ISSUE. Hindi ang tao. Stay focused.”

Ruru at Bianca, nakahanap ng bagong pamilya

Sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang ginawang ambassadors ng Filipino Martial Arts o FMA at ang karangalang ito ay ibinigay sa kanila nang dumalo sila sa Katipunan ng mga Bagani. Kabilang sa mga dumalo sa event ay FMA practitioners.

Sa interview sa Chika Minute, na-share nina Ruru at Bianca ang experiences nila para matuto at palakasin ang kanilang skills sa traditional martial arts ng bansa. Naikuwento ni Ruru ang naging training niya na nagsimula sa paggamit ng weapons hanggang sa hand-to-hand contact training na magagamit niya in his future projects.

“I started with, ‘yun nga, mga baston, arnis, but eventually ngayon kahit empty hands, meaning kahit wala kang weapons, puwede na na rin. So somehow, para siyang dirty boxing,” sabi ni Ruru.

Ayon naman kay Bianca, nakahanap sila ni Ruru ng bagong pamilya sa FMA.

“We wanted to learn a new skill, but then as we were going through the process, naging parte na kami ng pamilya ng FMA, how much we’ve learned and grown as individuals during the study of the system, mas naging purpose-driven na siya ngayon.”

In the said event, nag-demonstrate si Bianca sa knife-handling at si Ruru nag-demonstrate ng hand-to-hand combat training. Nagti-training sila sa Laraw Kali Pamuok founded by Lakan Ronnie Royce Base. Ang mga natutunan sa training ay nagagamit nila sa action scenes sa mga ginagawa nilang projects, kabilang ang Sang’gre na pinagbibidahan ni Bianca.

Bianca, may pakiusap sa mga bida-bida ng luxury items

May mga nag-agree at may nag-disagree rin sa pakiusap ni Bianca Gonzalez-Intal sa media platforms na nagpi-feature at nag-iinterbyu sa mga celebrity.

“Sa mga media platforms featuring luxury items ng mga celebs, wag na muna sanang isama sa feature yung presyo ng mga ito. Malamang ay pinag-ipunan nila ito, oo, pero sa ekonomiyang ito, sa taas ng presyo ng gas at bilihin, sa nangyayari sa mundo, sa hirap na pinagdaraanan natin, hindi ito ang panahon para detalyehin pa at ibida ang mga ganitong bagay. Hindi naaayon. Salamat.”

Pero may mga kumontra kay Bianca at sinabing “Wag makialam basta hindi galing sa corruption,” may sumagot pa ng “Bianca, wag ka controlling,” “Paladesisyon ka masyado,” “Hayaan mo kung yun ang gusto nila. Bakit kasi nakikialam kayo” at “Let them be lalo na kung di naman nepo baby and worked hard for what they have now” at may comment pang “You irritate me.”

Nakiusap lang naman si Bianca at kung susundin ang panawagan niya, maganda. Kung hindi naman susundin ng mga kinol out niya, may magagawa ba si Bianca?

EDU MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with