Sofia, nabawi ang account

Na-recover na ni Sofia Andres ang kanyang Instagram account na may more than 10 million followers.
Kahapon ay nakakapag-post na ulit siya.
Halos dalawang araw ding inimbestigahan ang nasabing account ng Kapamilya star dahil diumano sa pag-violate nito sa community standards ng Meta.
TV5, may malaking studio na
May magagamit na ngayong malaking studio ang TV5.
Yup, ‘yun daw kasi palang ipinagawang studio na dapat ay gagamitin nung naudlot na programa ng TV host na si Willie Revillame ay tapos at handa na.
Maaalalang hindi natuloy ang programa sana ng kontrobersiyal na TV host dahil ang ka-negotiate pa diumano nito sa TV5 ay ang napalitang network executive.
Wala lang nabanggit ang source kung anong programa ang unang gagamit sa modern and high-tech studio.
- Latest






















