^

Pang Movies

Wendell, kapit na kapit sa diyos

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Isa si Wendell Ramos sa mga artistang maka-Diyos, spotted nga siya sa iba’t ibang simbahan at naalala namin, nagsi-serve siya sa parish church kung saan sila nakatira ng kanyang pamilya.

Hindi lang sa parish nila nagsisimba ang aktor, nabasa naming nakita siya sa Mary Help of Christians na nangungumpisal (hindi sinabi kung saang lugar ang church). Nakita rin siya sa Mary Mother of Hope Chapel sa Landmark Trinoma.

Noong Palm Sunday, sama-sama sila ng kanyang pamilya na nagsimba at may post siyang kasama si Fr. Jerry Orbos, Adrian Panganiban sa isang Lenten recollection.

“My heartfelt thanks to Fr. Jerry Orbos and brother Adrian Panganiban, for this beautiful opportunity to be part of such a meaningful Lenten recollection.

“Grateful to my fellow sharers, ms. ivy violan, candy pangilinan, bo cerrudo, bro simon and to all the people who gave their time and service.

“What a blessing to serve and reflect in faith.

“All glory and praise to You, Lord,” post ni Wendell.

Ang gaganda ng mga comment sa post na ito ng aktor, gaya ng “Happy to see you active in Christian activities.”

Sa comment pa ng isang netizen, kumanta si Wendell ng Awit ng Paghahangad, maganda raw pala ang boses niya, malamig at solemn pakinggan.

Sa lahat ng positive comments sa kanya, puro pasasalamat ang sagot ni Wendell. Sabi tuloy ng fans, kaya raw hindi siya nawawalan ng projects dahil malapit siya sa Diyos. Katatapos lang niya sa isang series sa GMA 7, bumalik siya sa Sang’gre at ‘pag natapos ang fantaserye, mapapanood naman siya sa Kamao.

Gillian, mas gusto ang alahas

Kabilang ang young actress na si Gillian Vicencio sa nakabisita na sa Maddox Jewelry Showroom at nakilala at nakausap ang president at founder nito na si Charo Cordial.

Naikuwento ni Gillian kay Charo na ang mom niya ang real fan ni Charo at regular viewer ito ng kanyang vlogs.

“Naku, ang mommy ko po ang talagang adik. Nag-scroll po siya online. Niyaya niya po akong pumunta rito,” ayon kay Jillian.

Kaya lang, naunang nakabisita sa showroom ang young actress at pangako nito, isa sa mga araw, dadalhin niya ang mom niya roon para makita rin ang jewelry na sa vlog lang niya napapanood.

Namangha si Gillian sa mga alahas na nakita sa showroom at feeling nito, nasa toy store siya. Nabanggit ni Gillian ang personal experiences niya at preference at sabi nito, mas gusto niyang mag-invest sa jewelry kesa luxury bags.

Ashdres, pahinga muna sa fan takeover

Hinahanap ng fans nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga ang dalawa, bakit daw hindi sila kasama sa magaganap na Viva One The Next Fan Takeover naka-schedule sa April 18, sa New Frontier Theater.

Ang report na kasama sa event ay ang cast ng My Husband Is A Mafia Boss, Dating Alys Perez, Hell University, Project Loki at Golden Scenery of Tomorrow. Wala ang AshDress love team dahil siguro sa wala naman silang bagong Viva One series.

Sabagay, maraming fans ang cast ng mga nabanggit na Viva One series at siguradong mapupuno nila ang venue. Kita n’yo naman, sold-out na ang tiket mula sa SVIP hanggang Balcony. Hinihintay na lang ng fans ang April 18 at go na sila sa New Frontier Theater.

WENDELL RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with