Sofia at Chie, pinag-aaway!

Gustong pag-awayin ng fans sina Sofia Andres at Chie Filomeno sa ginawang pagsusumbong kay Chie ng isa niyang fan na sabi, “inaasar ka ni Sofia.”
Nag-agree ang ibang fans ni Chie at naki-comment din ng mga negative comment patungkol kay Sofia.
Gaya nito, “kulang sa pansin si Sofia” na sinundan ng “si Sofia na naghihintay ng downfall ni Chie,” sinundan ng “si Sofia na kala mo kung sino eh poorita din naman, nagka jowa lang ng mayaman feeling alta na.”
Hindi nag-comment si Chie sa mga comment kay Sofia at hindi rin niya dine-delete, kaya nababasa ng fans niya at nakikiusyoso.
Hindi rin niya kailangang idepensa ang sarili sa basher dahil ang fans na ang sumasagot para sa kanya.
Sa nagsabing sa break-up din napunta ang relasyon niya sa isang Lhuilier, sagot ng kanyang fans, maganda pa rin si Chie, may sariling ipon na galing sa hard work, may condo na fully paid. May career na babalikan at marami pa ang magkakagusto sa kanya.
Walang nagbanggit na puwede pa silang magkabalikan ni Jake Cuenca na medyo malabo ngayon dahil may Rabiya Mateo na ang aktor.
Saka, galit pa yata sa kanya si Jake dahil sa isang interview, hindi nito mabanggit ang name niya.
In fact, “that person” ang tawag sa kanya ng aktor.
Kasimplehan ni Gretchen, pinusuan!
Ang daming naka-miss kay Gretchen Barretto, based ito sa mga nag-react at nag-comment sa Instagram post ni Dra. Aivee sa pagdating ni Gretchen sa clinic niya.
Ang simple lang ng ayos ni Gretchen at walang make-up dahil may ginawang treatment sa face niya, pero ang ganda-ganda pa rin nito.
“And she’s back... in her happy place.
Gretchen return to Aivee hallway... catching up on the latest buzz in non-invasive skin tightening treatments at @aivetasregenerative clinic
We wrapped the day with a little birthdaycake for our March celebrant,” bahagi ng caption ni Dra. Aivee.
Ang iba, walang nasabi, pinusuan na lang ang post ni Dra. Aivee at may mga nag-request kay Gretchen na i-open na niya uli ang IG niya para may update sila sa kanya.
- Latest





















