^

Pang Movies

Yasser, first time magka-award

Gorgy Rula - Pang-masa
Yasser, first time magka-award
Yasser Marta
STAR / File

Ang Visayan film na Pinikas ang humakot ng maraming awards sa nakaraang awards night ng 8th Sinag Maynila Film Festival na ginanap sa Gateway Cinema 11 noong Sabado.

Nakuha nito ang Best Film, best director (Cris Fuego), best screenplay (Cris Fuego), best actress (Angela Villarin), best actor (Jade Makawili), best editing at best musical score.

Garalgal ang boses ng best actor winner na si Jade nang tinanggap ang kanyang trophy.

“Thank you so much for this recognition! Thank you so much sa aming direktor, si Direk Cris Fuego. Ahh sorry.

“Kung hindi dahil sa sinulat niya na movie, hindi ako or kumbaga hindi makikita iyung acting ko. Salamat, Direk,” bahagi ng kanyang acceptance speech.

Ang tatlong hurado para sa full-length films ng Sinag Maynila ay sina Direk Jeffrey Jeturian, Direk Zig Dulay at Dr. Shirley Lua.

Pagkatapos ng awards ceremony ay hinanap pa ni Direk Jeffrey Jeturian si Jade para magpa-picture, at tanungin kung bakit nagpaikli ito ng buhok.

Nagwaging best supporting actor ang Kapuso actor na si Yasser Marta para sa pelikulang Desperada, na dinirek ni Louie Ignacio.

“Ito po ang aking unang parangal bilang isang aktor,” sabi ni Yasser.

Pinasalamatan niya ang Panginoon at ang mga taong naging bahagi sa kanyang pagpasok sa pag-aartista.

Special mention niya si German Moreno na siyang nagbigay sa kanya ng break.

“Sa naka-discover po sa akin, si Kuya Germs (German Moreno). ‘Tay, maraming-maraming salamat, nung nakita mo ako sa Nueva Ecija, dinala mo na agad ako sa GMA.’

“At hanggang ngayon, ‘yun na ‘yung naging pangalawang tahanan, ang GMA Network. Kaya maraming-maraming salamat, GMA,” sabi pa nito.

Binanggit pa niya sina direk Louie, ang girlfriend niya na lead actress ng pelikulang ito na si Robb Guinto, at ang iba pang naging bahagi ng pelikulang ito.

Sabi pa ni Yasser; “Gusto ko lang sabihin po — 15 years ago, 2011, naglalakad lang po ako sa likod ng kamera, binabayaran ng P500. Pero ngayon, best supporting actor na ako!”

Tampok si Yasser bilang Hesus sa Siete Palabras (The Seven Last Words of Christ) na itatanghal mula Abril 1, Miyerkules Santo hanggang Abril 3, Biyernes Santo sa Brgy. Lourdes North West (LNW), Angeles City, Pampanga.

Samantala, ang best supporting actress ng Sinag Maynila 2026 ay si Mercedes Cabral para sa Ang Bangkay. Waley si Mercedes sa awards ceremony, dahil nagpabunot daw siya ng ngipin sabi ng lead actor at producer ng pelikulang ito na si Vince Tañada.

Itong Ang Bangkay ni Vince Tañada ang napili ring People’s Choice Award.

Extended pa pala ang Sinag Maynila hanggang sa Miyerkules Santo, April 1, na April Fool’s Day rin.

YASSER MARTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with