^

Pang Movies

Robb at Yasser, ‘di nagligawan!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Robb at Yasser, ‘di nagligawan!
Robb at Yasser

Binalikan nina Robb Guinto at Yasser Marta ang simpleng simula ng kanilang pagsasama na hindi dumaan sa ligawan.

Ibinahagi ng magkasintahan na una silang nagkakilala nang magkasama sa isang pelikula.

“May ginawa po kaming movie. ‘Yun po ‘yung first time namin na nag-meet. ‘Desperada.’ ‘Yung unang beses, sa storycon nung movie,” ayon kay Yasser.

Inamin naman ng aktor na dumistansiya pa rin siya kay Robb dahil hindi niya alam kung paano lalapitan ang dalaga.

“Tinitingnan ko lang siya kasi siyempre first time namin mag-meet. Hindi ko pa alam kung paano siya i-approach. Tapos parang dinededma niya lang ako eh,” kuwento ng aktor.

Nilinaw naman ni Robb na nag-iingat din lamang siya at ayaw niyang magmukhang masyadong palagay agad sa aktor.

“Kumbaga kasi nung una, ‘pag unang kilala mo naman sa tao, ayaw mo naman magpaka-feeling close eh. Kumbaga parang pinapakiramdaman ko rin siya,” kuwento ni Robb.

Nagbago raw ang lahat nang magkasama sila nang matagal sa isang workshop para sa pelikula.

“Nung workshop, sabi ko, ‘Alam mo, ang cute-cute mo.’ Doon na na-break ‘yung ice,” ani Yasser.

Lalong lumalim ang kanilang koneksyon patungo sa mahalagang yugto sa kanilang ugnayan nang magpunta sila sa Bali.

Ibinahagi ni Robb na sa halip na dumaan sa tradisyunal na panliligaw, naging diretsahan na raw agad si Yasser.

“Actually, hindi niya sinabing puwede bang manligaw eh. ‘Pwede ba kitang maging girlfriend?’ Nag-yes po ako,” kuwento ni Robb.

ROBB GUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with