Allan, nilinaw ang panic buying

Na-stress at naalarma ang ilang netizens sa post ni Allan K sa Facebook na nagbibigay ng babala sa publiko hinggil sa krisis na nagaganap sa ating bansa.
Sa naturang post ay nagbibilin siya na mag-stock na ng mga pagkain pati na rin pera.
“Mag stock kayo ng pagkain, sa mga may bata magstock kayo ng maraming tubig, at solar power station, Hindi naten alam kung anong mga mangyayari sa mga susunod na buwan.
“Maaring kahit papano maayos pa sa ngayon, Pero hindi natin alam pag gising naten kinabukasan kung ano na ang sitwasyon.
“Kaya kung may mga tinatago kayong pera, ilabas niyo na yan dahil kapag nagkaron na ng matinding krisis wala ng silbi ang pera,” ang mababasa sa post ni Allan K.
Verified at may blue check ang account kaya naman ang akala ng lahat ay ang TV host/comedian na si Allan K. ito.
Mabuti na lang at nagbigay agad ng paglilinaw ang komedyante sa kanyang Instagram.
Ibinahagi niya ang screenshot ng nasabing post at sinabing “Hindi po ako ito. Wala po akong facebook account.”
Sey ni Pokwang sa comment section, “Sabi kona nga ba mare @allan_klownz hindi ikaw yan kasi gandang ganda sakin lagi yan bwahahahahahhaa.”
Komento naman ng isang netizen, “Na anxiety pa ako kanina nung nabasa ko sa fb.”
Anang isa pa, “Ok po Ms.A.K.Thank you po.Na alarm maman aketch. May bayad kase pag gusto mo mo may blue check.”
Reaction naman ng isang IG user, “Haist buti naman. Nakaka panic.”
Sunshine, muntik umayaw sa last rAWnd ng sexbomb concert
Muntik na raw hindi maka-join si Sunshine Garcia sa rAWnd 6 ng SexBomb concert na gaganapin ngayong Abril.
Sa kanyang mahabang Facebook post, inamin niyang ayaw na sana niyang sumali pero pinayuhan daw siya ng mister na si Alex Castro na tapusin na tutal naman ay last concert na raw.
“’Inumpisahan mo sayang naman kung di mo tatapusin.’ yan ang sinabi ng asawa ko sa akin nung nag dalawang isip akong sumali sa rAWnd 6,” simula ni Sunshine.
Ang kanyang health condition at ang oras sa pamilya ang ilan sa mga inilatag niyang dahilan kung bakit nagdalawang-isip siya to join the finale concert.
“Ang daming reason, isa na rito yung Disk Bulge ko sa likod nalilimitahan nya minsan yung galaw ko. Juicemi tatayo lang ako pahirapan pa minsan (ok sign of ageing) at alam ko nawalan ako nang time sa family sa sobrang busy ng schedule, may mga event na din ang mga kid na di ko na napupuntahan buti na lang nandyan si Alex kahit busy, sya na gumagawa ng paraan makapunta sa mga bata,” sey niya.
“Iba ngayon ang rAWnd 6 since ito na ang last iba sa mga nauna. Kukuha ulit nang oras na para sana sa pamilya ko pero sabi nga ni Alex sumali na ako at tapusin ko na, hindi na lang para sa sarili ko kundi para na din sa mga fans,” patuloy niya.
Kaya naman sinunod daw niya ang payo ng mister at heto nga, ka-join pa rin siya sa last concert ng SB
“Since madali akong kausap eh di GO charroott! Babawi na lang ako sa kanila after ng concert at nang mga tour namin,” aniya.
“Itodo na natin ito isang gabing hatawan, puksaan at sakit ng katawan after naman nyan back to normal na ulit tayo.. Atleast masasabi natin pare parehas tayong present at tinapos ang rAWnd 1 to rAWnd 6..
“Ngayon pa lang thank you dahil BINALIK nyo kami nabusy tuloy ang mga tyahin nyo, akala namin mga single pa kami sa schedule haha. Pero sobrang HAPPY kami isang malaking blessing ang nangyari sa grupo.. SBG hanggang dulo,” saad ni Sunshine.
- Latest




















