^

Pang Movies

Jillian at Eman, break na kaagad?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jillian at Eman, break na kaagad?!
Eman at Jillian

Nalungkot ang shippers nina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao sa balitang dinelete ni Jillian ang lahat ng pictures at videos nila ni Eman sa Instagram account niya. In fairness, quits lang sila ni Eman dahil deleted na rin sa IG nito ang photos at videos nila ng Kapuso aktres.

Walang itinira ang dalawa sa mga larawan nila sa kani-kanyang IG, para bang winalis nila ang photos at videos na sila ay nagkasama. Tanong ng fans, may nangyari ba at biglang nagbago ang ihip ng hangin? Noong isang araw lang, ang lagkit ng mga tingin ni Eman kay Jillian tapos ngayon, deleted na ang photos at video nila together, pati ‘yung panonood ni Jillian ng laban sa boksing ni Eman sa Tagbilaran City, Bohol.

May naniwala naman na baka utos ng GMA na i-delete nina Jillian at Eman ang photos at video nila para raw sa pagpasok ni Eman sa Never Say Die.

May pabor sa ginawa nila, gawin na lang daw nilang private kung anumang relasyon meron sila para walang gulo at intriga. Kaya lang, may statement si Eman na focused muna siya sa career niya sa boxing at showbiz at saka na ang love life.

Samantala, nagsimula nang mag-taping si Eman ng Never Say Die, kaya isa sa mga araw na ito, mapapanood na siya sa action series nina Jillian at David Licauco. Sa second day ng kanyang taping, nagpa-lechon siya para sa cast at production team, sa napanood naming video, nagkakahiyaan pa ang cast kung sino ang unang kukuha ng lechon at sa video, tila si David ang nauna.

Zephanie, muntik sumuko

Kaya pala nasabi ni Zephanie na marami ang makaka-relate sa story at sa role niya sa musical drama series ng GMA 7 na Born to Shine dahil nangyari pala sa kanya. Rejection after rejection ang dinanas niya bago siya mabigyan ng chance to show her talent.

Umiyak si Zephanie nang ikuwento kay Nelson Canlas kung ilang beses siyang nakaranas ng rejection to the point na gusto na niyang mag-give up. Ayaw na niyang mag-audition sa mga singing contest for fear na hindi na naman siya makapasa. It was her parents who encouraged her at pinaalalahanan siyang ‘wag maggi-give up. Ang ama pa raw niya ang sumama nang mag-audition siya sa Idol Philippines 2019 kung saan, siya ang grand champion.

“Hardship ang puhunan ko. Marami akong rejection at sa taping, maraming eksena ang bumabalik at nagpapaiyak sa akin. I’m glad I never give up,” sabi ni Zephanie.

Sa Monday, March 23, at 2:30 p.m. sa GMA 7 mapapanood at masusubaybayan na ang journey ni Jennie. Sa direksyon nina Rod Marmol at Carlo Catu, mapapanood ang musical drama series Monday to Saturday. 

Anton, gustong papalitan sa kamao

Ibi-build up nang leading man si Anton Vinzon ng GMA at Sparkle at noong isang araw, nag-storycon na sa pagbibidahan niyang boxing series na Kamao.

Magagaling na artista ang kasama nito kabilang sina Amy Austria, Katrina Halili, Wendell Ramos, Neil Ryan Sese at ang ama niyang si Roi Vinzon.

Kasama rin sa cast si Bruce Roeland at wala pang nabanggit na makakapareha si Anton o baka wala talaga siyang leading lady. May mga suggestion na si Charlie Fleming ang ipareha sa kanya, kaya lang, nasa The Master Cutter si Charlie.

May mga nang-intriga na dapat si Eman Bacosa Pacquiao ang bida ng Kamao dahil boksingero talaga siya.

JILLIAN WARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with