Luis, natakot traydurin

Naikuwento ni Luis Manzano na sumailalim siya sa dalawang medical procedures kamakailan.
Sa isang Instagram video, pinaliwanag ng 44-year-old actor-TV host ang rason bakit siya nagpa-colonoscopy at gastroscopy. Para raw ito sa kanyang kalusugan.
Ang colonoscopy is an examination of the inside of your large intestine (colon). Ang gastroscopy is a test to check inside your throat, food pipe (esophagus) and stomach.
“Ako ay medyo may edad na kailangan na ng colonoscopy at saka gastroscopy every year may executive checkup ako. Pero ‘di ba sinasabi nila kapag 40s or mid 40s e, kailangan na ng endoscopy. ‘Yung lalagyan ng camera sa puwet at tsaka dito sa baba.
“Kapag may nakitang mga polyps tatanggalin na nila right there and then. Kumbaga, normal na ito lalo na sa may edad dahil minsan kahit anong executive mo may isang traydor ‘yung C (cancer) alam mo na.
“Traydor ‘yun lalo na sa mga hindi nahahagip ng ultrasound sa tiyan o ‘di kaya sa gastro mahirap-hirap. So, ‘pag may edad na e isa sa mga kailangan pagdaanan. Ngayon, sana walang makita.”
Michael, nagka-kotse sa ice cream
Kinuwento ni Michael Sager na maaga siyang natutong maghanap-buhay noong lumipat ang kanyang pamilya sa Canada.
“Hindi komportable ang buhay ‘pag lumilipat abroad. I mean, as much as we say na nasa ibang bansa kami. Just like them, and like me, we started from scratch. Talagang walang-wala. So kailangan maghanap ng trabaho,” balik-tanaw pa ng Sparkle actor.
Todo kayod daw ang kanyang mga magulang. Dalawang trabaho meron ang kanyang ama at may sideline naman daw ang kanyang ina para kumita ng mas malaki.
Para makatulong, nagsimula nang magtrabaho si Michael. Nag-audition siya para sa maliliit na roles at nagtatrabaho bilang ice cream scooper.
“At the age of 12, I auditioned to be an extra kasi I wanted to have my own allowance na for myself so I don’t have to rely on my parents. I got my first job at 16 and I told myself ‘oh, ma, ‘pag school ko na ako na bahala sa pamasahe ko, baon,’” kuwento niya.
Dahil sa sipag niya bilang ice cream scooper, nakabili si Michael ng kanyang unang sasakyan. Nagtrabaho rin siya sa isang retail store na nagbebenta ng sapatos.
“Sabi ko, siguro binigay na sa akin ‘to ng Lord itong mahirap na challenge na ito para mas masimulan ko na agad. The time came na nabigyan ng opportunities, nabigyan ng projects. Sabi ko, hindi ko ito sasayangin. I mean, they might say it’s luck, but I really believe it’s all hard work,” sey ni Michael na nakabili na ng bahay para sa kanyang pamilya dahil sa sunud-sunod na projects sa Kapuso network.
Namaril kay Rihanna, tambak ang kaso
Pormal nang kinasuhan ng 14 felonies ang babaeng namaril sa bahay ng singer na si Rihanna sa Beverly Hills.
Haharapin ni Ivanna Ortiz ang one count of attempted murder, 10 counts of assault with a semiautomatic, and three counts of shooting an inhabited dwelling or camper.
Her arraignment was continued to March 25, her bail set at $1.875 million. If convicted of all charges, puwede siyang makulong panghabang-buhay.
Ayon sa report ng Los Angeles police department: “On March 8, at about 1:20 p.m., Ortiz is accused of driving up to the front of a home belonging to Rihanna... and firing a semiautomatic weapon multiple times at the house. There were people on the musician’s property as well as an adjacent house, but no one was struck by gunfire. Rihanna was there with her partner (A$AP Rocky), her three children, her mother, and two staff people representing eight of the 10 of the counts of dealing with an assault with a semi-automatic firearm. In addition, Miss Ortiz is accused of firing at a neighboring residence that had two additional individuals. That is why there are 10 felony counts of assault with a semi-automatic firearm.”
- Latest





















