^

Pang Movies

‘Balon’(Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ko alam kung gaano ako katagal na nakasandal sa pader na bricks ng balon. Gutom na gutom ako at uhaw na uhaw na uhaw. Giniginaw din ako dahil nakatapak sa malamig na putik.

Sinubukan kong sumigaw muli pero ayaw lumabas sa balon ang aking sigaw. Nanlalambot na ako. Pakiramdam ko, tatakasan na ako ng ulirat.

Naidasal ko na sana ay may makaalala sa akin at hanapin ako. Ang ikinatatakot ko, baka ­nagsiuwian na ang mga kaklase ko. Baka ang iniisip nila ay nauna na akong umuwi kaya hindi lumalabas sa pinagtataguan.

Unti-unti na akong tinatakasan ng ulirat nang maramdaman kong may hu­mawak sa aking braso.

Kasunod ay binuhat ako.

Nanlalabo na ang mga mata ko kaya hindi ko makita kung sino ang bumuhat sa akin. Pero sa tumatakas kong ulirat, malaki at matangkad na nilalang ang bumuhat sa akin.

Sa sobrang tangkad ng nilalang, lumampas pa siya sa bunganga ng balon. Dahan-da­han niya akong ibinaba malapit sa bunganga.

Iyon ang huli kong natandaan sapagkat nawalan na ako ng malay.

Nang magbalik ang aking ulirat, pinagtutulungan akong buhatin nina Tatay at aking mga kapatid. (Itutuloy)

WELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with