Maricar, bubuhayin ang career

First teleserye ni Maricar Reyes sa Kapuso network ang political thriller na Whispers From Heaven kunsaan makakasama niya sina Bea Alonzo at Tom Rodriguez.
Bukod sa excitement ay nakararamdam din siya ng kaba dahil matagal-tagal na rin nang magkaroon siya ng major role sa isang teleserye.
Huling napanood si Maricar sa ABS-CBN teleserye na Bagani noong 2018 pa.
“Medyo may kaunting kaba because it’s been a while since I was part of a teleserye. I think my last major role was almost 10 years ago. Siyempre may kaunting learning curve pero very supportive naman lahat, so I’m sure there won’t be any problem,” sey ng aktres.
Ayon kay Maricar, excited na rin siyang muling makatrabaho sina Bea at Tom. Si Bea ay nakatrabaho niya sa teleserye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon in 2014. Si Tom ay nakasama niya sa Be Careful With My Heart noong 2012.
“Always exciting to work with them. I worked with them before, both of them, and they’re both very professional. Si Tom very light kasama. Si Bea, also, I look up to her as an artist, very professional siya.”
Carlo, muntik magpaampon
Inamin ni Carlo Aquino na minsan na rin niyang naisipang iwan ang showbiz at manirahan na lang sa Amerika.
Ayon sa aktor, unang sumagi sa isip niya ang pag-alis ng showbiz noong mid-2000s. Marami naman daw siyang trabaho at karamihan ay indie films.
Naisip na raw niyang pumunta sa Amerika at magtrabaho sa mga fast food chain doon.
“Parang ‘Mag-Amerika na lang kaya ako? Magpa-adopt ako sa uncle ko na nasa Amerika? Kaya ko naman mag-manual labor, kaya ko mag-fast food,’” pag-alala ni Carlo.
Hindi rin daw tinuloy ni Carlo ang pagpunta sa Amerika dahil mahal raw niya ang trabaho bilang isang artista.
“Nandidito ka para makapagbigay ng inspirasyon, ‘yung makapagparamdam sa mga tao,” sey pa ng award-winning actor.
Rumatrat sa bahay ni Rihanna, hindi natakot
Hindi raw muna titira ang singer na si Rihanna sa kanyang Beverly Hills mansion pagkatapos na pagbabarilin ito ng isang stalker.
Ayon sa report ng TMZ, ang stalker na bumaril sa mansion ng Umbrella singer ay nagngangalang Ivanna Ortiz.
“Ivanna Ortiz was booked for attempted murder at 2:06 a.m. Monday. Her bail has been set at $10.225 million.”
Pinost pa raw ni Ortiz sa social media ang pagratrat niya ng AR-15 type rifle sa bahay ni Rihanna.
Sa isang YouTube video, sinabi ni Ortiz na: “Rihanna’s face is the devil. I don’t like her and she’s always trying to steal from me… She only did her little music thing so she could do witchcraft and so that she can steal from people. Yeah, she’s a witch. I’m a watchman. She’s a witch… Get that stupid girl out of here.”
Kinasuhan na si Ortiz for attempted murder.
- Latest




















