^

Pang Movies

Lea, may komento kay Anne!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lea, may komento kay Anne!
Lea Salonga
STAR / File

Kabilang si Lea Salonga sa nag-comment sa statement ni Anne Curtis na pinost nito sa Instagram (IG). Sabi ni Lea, “Courage and class,” sinundan ng “Amen” na comment ng sister-in-law ni Anne na si Solenn Heussaff, at “Women support women. This is what Women’s is all about. Thank you @annecurtissmith for speaking out” na comment ni Miriam Quiambao. On point din ang comment ni Pokwang na “LABAN ‘nak dumarami nga mga mambabastos hindi mambabatas.”

Kung babasahin ang mga nag-comment at nagpahayag ng “We stand by you,” karamihan nga ay mga babae, pero may mga kalalakihan din. Gaya nina Ogie Alcasid, Mon Gutierrez, Jake Ejercito, Nico Bolzico, Janno Gibbs, Martin Nievera, at Vhong Navarro. Makakaasa si Anne ng suporta sa mga kasama sa industriya sakaling kasuhan niya si Rep. Bong Suntay.

But you can’t please everybody at may kokontra talaga kay Anne at sa mga taga-showbiz na nagpahayag ng suporta sa kanya. Nabasa namin ang comment na “It’s funny how “celebrities” virtue-signal each other’s hypocrisy and applaud their own pharisaical agenda.” May nag-akusa pa kay Anne na nagda-drama lang at nagtanong pa kung binastos ba si Anne ni Suntay.

Hindi na sinagot ni Anne ang nasabing comment, ang followers nito sa IG ang sumagot sa nega comments. Hindi lang maiwasan na nauwi sa away ng mga DDS (Diehard Duterte Supporters) at Kakampinks ang isyu nina Anne at Suntay dahil Kakampinks daw si Anne at DDS si Suntay na itinatanggi nito.

Mahaba pa ang isyung ito, marami pang madadagdag na istorya at may nabasa pa nga kami na ipinapa-boycott ang gasoline station na pagmamay-ari ni Suntay. Parang mali lang ang ganitong kilos lalo na at may problema sa gasoline dahil sa gyera ng US at Israel laban sa Iran.

Ashtine, nahawa kay Rufa Mae!

Ang Who’s The Boss episode nina Ashtine Olviga at Rufa Mae Quinto ang first episode na mapapanood sa four-part anthology ni Ashtine Olviga na Viva One Originals: Ashtine. Strea­ming ang episode sa March 13, pati ang tatlo pang episode.

Sabi ni Ashtine, two days lang ang taping niya for the four episodes of her anthology, pero na-adopt na agad niya ang manner ng pagsasalita ni Rufa Mae. Nagbigay siya ng sample sa mediacon at Rufa Mae na Rufa Mae ang datingan niya.

Kung hindi mo titingnan kung sino ang nagsasalita, iisipin mo talagang si Rufa Mae ‘yun. Kuhang-kuha niya ang pagsasalita ng komedyana at aminado itong matagal naalis sa kanya.

“Hanggang sa bahay, dala-dala ko kung paano magsalita si Rufa Mae, natawa na lang ako. Hanggang ngayon nga, alam ko pa kung paano siya magsalita,” at nagbigay nga ito ng sample.

Next episode to be streamed ang My Melody at kasama ni Ashtine ang singer-songwriter na si Rob Deniel at ang South Korean actor na si Lee Dae Won. Kuwento ni Ashtine, hindi sila masyadong nag-uusap ng Korean actor dahil hindi yata masyadong nag-i-Ingles, pero okay sila. Maayos din ang trabaho nila ni Rob na nakasama na niya sa music video nito.

Sa March 27, ang streaming ng Balik Eskwela na may pagka-horror at ang finale episode na Bahay-Bahayan at sa April 4 ang streaming. Ito ang favorite episode ni Ashtine at isa sa mga rason ay dahil si Claudine Barretto ang kasama niya.

Given the chance, gusto ni Ashtine na makatrabaho si Barbie Forteza dahil nagagali­ngan siya sa aktres kaya kahit anong ipagawa. Gusto rin niya ang bubbly personality ng Kapuso aktres na sa kwento niya, nakasama niya sa trabaho noong nagta-talent pa lang siya.

LEA SALONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with