^

Pang Movies

Odette, nakakakain na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Odette, nakakakain na!
Odette

Nagbigay ng update ang direktor ng Bar Boys na si Kip Oebanda tungkol sa kundisyon ng veteran actress na si Odette Khan.

Ayon sa fillmaker sa kanyang Instagram Story, bumubuti ng ang kundisyon ni Odette at hindi na raw kakailanganing i-drain pang muli ang lungs.

May malay na rin daw ito at nakakakain na.

“This has been a tough week for me personally. But there is some good news — there has been an outpouring of support for Mommy O. Her condition improved.

“We now have a specialist who said her lungs don’t need to be drained again because of the improvement. She is now awake and is able to eat three times a day,” ang anunsyo ng direktor.

“She is fighting with us,” aniya pa.

Sey pa ni direk Kip, na-touch at na-inspire raw siya sa rami ng nagpakita ng pagmamahal at pagtulong kay Odette.

“Personally, I am so inspired and touched by the outpouring of love for Mommy O. Her 50 years of love for her art and craft made people love her as well.

“In this industry, people like her are rare. She never chased fame or validation — just quiet, dignified, and high-quality work over the years.

“One of the silent pillars of our industry. To see people give that the value it deserves is honestly very touching,” pahayag ni direk Kip.

“Maraming salamat sa mga tumulong at tutulong pa. But also, Pinoys deserves better healthcare,” ang mensahe ng pasasalamat ng direktor.

Matatandaang dinala at na-confine sa National Kidney and Transplant Institute si Odette Khan noong February 21 dahil sa pneumonia, emphysema, at edema.

Alvin, ginamit si Jesus kay Anne!

Hangggang ngayon ay kaliwa’t kanan pa rin ang paglalabas ng galit at reaksyon ng publiko kabilang na ang mga taga-showbiz sa kontrobersyal na issue nina Anne Curtis at Quezon City Rep. Bong Suntay.

Halos lahat ay nagkakaisa sa pagkondena sa kongresista sa mga binitiwan niyang pahayag patungkol sa aktres.

Nakisali na nga rin ang kontrobersyal na dating aktor na si Alvin Aragon sa issue at naglabas ng kanyang opinyon tungkol dito.

Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi ng mister ni SexBomb member Izzy Trazona ang isang panayam sa kanya kung saan ay napag-usapan nila ang issue nina Anne at Suntay.

“Ano ang sabi ni Jesus? ‘If you look lustfully at a woman, you have already committed adultery in your heart.’ So, tingnan mo pa lang ang isang babae na nagnanasa ka, parang ginawa mo na yung physical act,” pahayag ni Alvin.

Sa caption ng kanyang post, pinangaralan ni Alvin ang kongresista, gayundin ang mga kababaihan at mga mister ng tahanan.

“Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa, may mag-iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs.”

“Kaya Filipino men protect your wife, may ‘Sin of lust’ kasi. And Filipino women dress modestly to avoid sexuaI desire. ‘Kasi nga may Sin of lust.

“Alam nyo mahirap talaga yan iwasan. Si Jesus lang ang makakatulong sa ’yo ma-overcome yan,” pahayag ni Alvin.

Saad pa niya, “Jesus said: …if your eye causes you to sin, gouge it out and throw it away. It’s better to enter eternal life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fire of hell…”

Matatandaang sinabi ni Suntay kamakailan sa impeachment complaint hearing laban kay Vice President Sara Duterte na nag-init siya nang makita niya si Anne sa isang okasyon.

“Alam n’yo minsan, nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis, ang ganda-ganda pala niya.  You know, may desire sa loob ko na, nag-init talaga, na-imagine ko na lang kung ano’ng pwedeng mangyari pero syempre hanggang imagination na lang ‘yon. Pero ‘di naman siguro ako pwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh,” ang pahayag ni Suntay.

Samantala, wala pang pahayag mismo si Anne sa naturang kontrobersiya dahil naging abala rin ang aktres sa problemang kinaharap nang makansela ang kanyang flight patungong Dubai dahil sa tensyon sa Middle East.

 

ODETTE KHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with