^

Pang Movies

Gee, nasa healing stage pa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gee, nasa healing stage pa!
Gee Canlas

Nananatiling isang matatag na solo parent si Gee Canlas sa anak na si Caleb.

Inamin ni Gee na naghiwalay na sila ng asawa niyang si Archie Alemania tatlong linggo nang nakararaan.

“I’m a solo parent. I don’t want to say any specifics about the situation. Gusto ko lang move forward na tayo. How do I turn this situation for good so I can be the best for Caleb, for my son,” sey ni Gee.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Gee na unti-unti na siyang gumagaling emotionally, pero nakakapag-adjust na siya sa buhay niya ngayon.

“Still figuring things out. Still healing. But rooted again. Here’s to rediscovering what was never really lost. My Gazelle-ness. My Gee-ness. Happy REBIRTHday to me.

“I’m choosing to love myself with the same consistency and effort I give others, and I’m no longer making myself smaller for anyone. I want to show up more. 

“For myself, for Caleb, for the people I love, and for the work that’s always felt like home to me. That’s the only way I can be fully me as a daughter, sister, a friend, a woman… as a solo parent,” caption pa niya.

Thankful si Gee sa kanyang mga mapagkakatiwalaang kaibigan, na karamay niya sa kanyang pagiging solo parent.

Napapanood si Gee sa GMA Afternoon Prime teleserye na House of Lies.

Kris, umaasa sa balikan nila ni Katrina

Hindi pinapabayaan ng Filipino American singer songwriter Kris Lawrence ang anak nila ni Katrina Halili na si Katie.

Nag-share pa si Kris ng ilang personal plans niya para sa kanyang anak, kabilang dito ang pag-asikaso niya para maging US citizen si Katie.

Ikinatuwa naman ito ni Katrina dahil co-parenting ang arrangement nila ni Kris kay Katie.

May isa pa itong anak sa current partner nito.

Noong sumailalim si Katie sa isang operasyon kamakailan, full support si Kris sa anak at panay ang FaceTime nila habang nagpapagaling ito.

Nagsama sila ni Katrina ng limang taon bago sila naghiwalay noong 2014.

Nasabi nga ni Kris na kung single pa rin daw sila ni Katrina in 10 years, baka may possibility na magkabalikan sila.

Si Kris ay grand champion ng Search For The Star in a Million noong 2006.

Pagkamatay ni Eric, kinagulat ng ibang fans

Marami ang nabigla sa pagpanaw ng Hollywood actor na si Eric Dane sa edad na 53. Sumikat si Dane sa pagganap niya as Dr. Mark Sloan a.k.a. McSteamy sa US medical series na Grey’s Anatomy.

Ayon sa actress-wife ni Dane na si Rebecca Gayheart, lumaban hanggang sa huli ang aktor sa sakit nitong ALS (amyotrophic lateral sclerosis) na isinapubliko niya last year.

Bago lumabas sa Grey’s Anatomy, lumabas si Dane sa mga show na Saved By The Bell, The Wonder Years, Roseanne, Married With Children, Charmed, at Gideon’s Crossing. Huli niyang TV appearance ay sa Euphoria ng HBO.

Sa movies ay napanood siya sa Valentine’s Day, X-Men: The Last Stand, Marley and Me, Bad Boys: Ride Or Die at Burlesque.

 

GEE CANLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with