^

Pang Movies

AJ Raval, paborito ng bashers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
AJ Raval, paborito ng bashers!
Sexy actress AJ Raval

Grabe ang bashers ni AJ Raval, pati mga anak idinadamay sa galit nila at puntirya ang panganay ni AJ na si Yana at ang anak eldest nila ni Aljur Abrenica na si Alkina. Ang sasakit ng mga comment kung susudin lang ang payo ng concerned citizens, puwedeng sampahan ni AJ ng cyber bullying ang mga mapanghusga.

Sample ng mga comment, ang gagan­da raw ng anak ni AJ, mana raw sa kanya pero sinamahan pa nang sana hindi batang nagkaanak.

Ang netizens ang rumeresbak para kay AJ, ipinaalala sa mga manang na bata ang sinisiraan nila at puwede silang mademanda. May nagsabi pa na feeling malilinis ang mga nagko-comment at ang nakakatawang comment na dapat talaga hiwalay ang FB ng mga matatanda.

Anyway, last Valentines Day, kasama ng mga anak nina Aljur at AJ si Alas, anak nina Aljur at Kylie Padilla at nag-bonding ang magkakapatid. Si Alas lang ang nakita sa video, sigurado naman, kasama rin ang kapatid nitong si Axl.

Bela, sanay nang manakit

Mapanakit” na  pala ang middle initial ni Bela Padilla dahil mula nang gumagawa siya ng romcom na hindi happy ang ending, tinawag na siya ng fans na “Bela Mapanakit Padilla.” Heto at nagsimula na naman siyang tawagin sa pangalang ito dahil nagsimula na ang promo ng movie nila ni Carlo Aquino na A Special Memory ng Viva Films.

Tanggap si Bela ng mga fans sa mga mapanakit na pelikula na hindi pwedeng hindi ka iiyak.

May mga nag-suggest na sana, gumawa naman si Bela ng ibang genre ng movie. “Bela should try other roles, people get ‘sawa if it’s always the same narrative. Just my 2 cents worth.” Sagot ni Bela, “True. That’s why I’m excited for Blood Vs. Duty. Also, A Special Memory isn’t like anything I’ve done before.”

Sinagot din ni Bela ang comment na “I have seen some of it, but sorry it’s all the same to me. I am looking for a breakthrough I guess.’Yung pasabog.”  Ani Bela, “No problem not everyone would go to a theater for festival films like Ma?anita or iAmerca. Or try to understand a series like Mea Culpa. And yes, my last 5 or o films revolve around love. But I’ve made sure the performances vary. Critics, fans and actual moviegoers seem to say the same. But thank you for the feedback. I will take note.”

Kung fans at moviegoers ang tatanungin, gusto nila ang A Special Memory, trailer pa lang, pinag-usapan na. Showing na ito sa March 11, 2026 in cinemas nationwide.

The movie is directed by Jerry ­Lopez Sineneng and written by National Artist for Film and Broadcast Arts, Ricky Lee.

Rhian, dinaan sa pag-aalaga ng bata ang therapy

May fans si Rhian Ramos na nalungkot nang mabasa ang caption sa post niya tungkol sa anak ni Bianca King at ang pag-aalaga  niya rito.

When God gives you Tita duties. Child of @bianca_king, you’re the therapy I’ve always needed.”

Ramdam ng nakabasa sa caption ang lungkot ni Rhian at hula nila, ang tinukoy nitong therapy ay dahil sa break-up nila ng ex na si Sam Verzosa. Kasama na rin ang isyu sa driver niya.

Actually, hindi naman solo na inalagaan ni Rhian si Sadie, kasama niya sa park ang mom ng bata na si Bianca na for sure, marami silang napag-usapan. Maganda kay Rhian na may mga kaibigan na nakakasama at nakakausap hindi lang para sa therapy na binanggit niya. Para na rin may napagsasabihan siya ng mga nangyayari sa buhay niya at magbibigay ng advises.

AJ RAVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with