^

Pang Movies

Catriona, bininyagan ni Jericho!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Catriona, bininyagan ni Jericho!
Catriona, Jericho at Anne
STAR / File

In a nutshell, malinis at classy ang pagkakalatag ng pelikulang The Loved One starring Jericho Rosales and Anne Curtis.

Simple pero iba ang atake sa kuwento tungkol sa isang magkarelasyon na ang isa ay may takot na ma-trap sa kanilang pagsasama.

Si Anne ay isang anak mayaman na na-in love sa isang ordinaryong lalaki.

Passionate ang kanilang pagmamahalan at nakapag-adjust sa isa’t isa.

Ngunit may pagkakataong may hinahanap si Ellie (Anne). Hindi siya nakukuntento at parang nasisikipan kaya kailangan niyang umalis at sundin ang gustong gawin.

Habang si Eric (Jericho) ay hindi nababawasan ang pagmamahal kay Ellie na sinubok ng pagdating sa buhay niya ni Nicole (Catriona Gray).

Pero napigilan ni Eric na magkaroon ng mas malalim na relasyon kay Nicole na kasama niya sa trabaho.

Nagkaroon ng messy situation, kaya sinubukan nilang (Eric at Ellie) ayusin ang pagsasama at magkaroon ng anak.

Mahusay sina Jericho at Anne. Comfortable sila kahit sa mga love scene. Walang inhibitions ang pagkakaganap.

Maging si Catriona ay bigay na bigay sa laplapan nila ni Jericho. Ito ang baptism of fire ni Catriona sa pelikula.

Dinirek ito ni Irene Villamor na bukod sa pagiging bida sa pelikula, executive producers din sina Jericho at Anne with Viva Films and Cornerstone.

Maganda rin ang playdate, abot sa Valentine’s Day.

Kaya dumagsa ang mga manonood, halos puno ang sinehan nang manood kami na bihirang mangyari sa Tagalog films.

Maganda ang mga review at word of mouth kaya inaasahang dadagsain pa ito ng mas maraming manonood lalo na at long weekend hanggang bukas, walang pasok ang Chinese New Year.

Nakadepende talaga sa kuwento ang pelikula. ‘Yung magaang kuwento na hindi mo pag-iisiping masyado ang manonood at walang pretensyon na pang-matalino ang kuwento.

Dapat maiintindihan ng mga manonood at hindi pilit ang atake. Na nagawa ng The Loved One.

ANNE CURTIS

CATRIONA GREY

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with