^

Pang Movies

Janine, binitbit ni Jericho sa kanyang manager?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Janine, binitbit ni Jericho sa kanyang manager?!
Jericho ­Rosales and Janine Gutierrez.
STAR/ File

Iisa na pala ang mana­ger nina Jericho ­Rosales and Janine Gutierrez.

Totoo bang si Jericho ang nagkumbinsi kay Janine na lumipat sa kanyang management team, Artists & Company Manila?

Ang tagal inalagaan ng namayapang talent ma­nager na si Leo Dominguez si Janine, sa kanyang kumpanyang LVD, na ngayon ay pinamamahalaan ng trusted people niya at isang sister ni Leo.

Wala pang official statement si Janine tungkol dito at hindi rin namin siya natanong nung sandali namin siyang naka-chika sa 84th birthday celebration ng kanyang lolo Eddie Gutierrez.

Nag-duet sina Jericho at Janine sa nasabing birthday celebration ng kanyang lolo na first time raw nilang ginawa.

Samantala, all-out ang suporta ni Janine sa pelikula nina Echo at Anne Curtis na The Loved One na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules.

Post niya sa kanyang Instagram channel: “omg i watched The Loved One last night

“5 stars huhuhu what a special movie!!!!!!!!,” sabi niya sa Instagram channel niya.

“when kayo manonood? need ko ng kausap about it hahaha I don’t wanna spoil anything.”

Pumi-pick up ang pelikula dahil mas binabaan ang presyo ng ticket sa ibang mga sinehan.

ECHO

JANINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with