Junior actors, nakakalinlang ang hitsura
Looks can be deceiving! Swak na swak ‘yan sa dalawang junior actor (JA) na may leading man status ngayon!
Eh ‘yung JA 1, aba, may maamong mukha. Parang hindi makabasag ng pinggan, ayon sa aming source!
Eh si JA 2, maangas ang mukha. Parang sanggano ang impresyon ng makakakita!
Pero ayon sa aming source, may nakausap siyang taga-production ng project na pinagsamahan ng dalawa.
May kagaspangan ng ugali si JA 1! Mas mabait pa raw si JA 2 especially pagdating sa pakikisama sa staff, huh!
At meron pang natuklasan ang aming source tungkol sa pagkatao ni JA 1 na ayaw na naming isiwalat!
Of course, may hindi naniniwala dahil maayos naman daw ang parents ng JA 1!
Pokwang, hindi nawawala ang hilig sa alahas
Unforgettable ang nakaraang karanasan ng host at komedyanang si Pokwang nang mawalan siya ng alahas at relo habang nasa shooting!
Ayon sa kuwento ni Pokie kay Miss Charo Cordial ng Maddox Jewelry nang bumisita ito sa showroom nito sa Marikina, pinahubad daw sa kanya ng wardrobe ang mga alahas at relong suot. “Hindi ko malaman kung kanino ko inabot! Wala namang umaamin!
“Nagmamadali kasi kami. Hindi ko na naalala. Nasa elevator na kami noon. P350,000 ang bili ko dun. Hayaan mo na nga!” kuwento ni Pokwang nang mag-guest sa YouTube channel ni Ms. Charo (YouTube – @Maddox_Jewelry).
Pero hindi pa rin nawawala ang hilig sa alahas ng komedyana kahit nawalan.
Parehong negosyante at online sellers sina Pokie at Charo.
Eh dahil trusted sa expertise sa fine jewelry lalo na sa diamonds, marami nang celebs ang nagtitiwala kay Ms. Charo. Recognized na rin siya as credible and influential content creator and vlogger sa jewelry industry.
As of presstime, ang video ni Pokwang ay mapapanood sa Maddox_Jewelry YouTube channel pati na sa ibang social media platforms nito. Umabot na sa 1.8 millions views sa Facebook sa loob ng isang araw!
Mula sa pagiging licensed Agricultural Engineer to respected jewelry industry leader and trusted celebrity content creator.
- Latest























