Mark, napikon sa mga content creator!

Si Nay Lolit Solis ang naalala ko sa nagaganap ngayon kay Mark Herras.
Pinag-umpisahan ang controversial post ni Mark na umiiyak siya.
Sari-sari ang analysis ng mga netizen.
Pero ang bottom line ay broke si Mark at iiwan na diumano ng misis.
At ginawang content sa social media ng mga content creator na career na ang paggawa ng mga video story na kuha sa mga account ng iba.
Na parang ikinapikon na ni Mark. Nag-post siya kahapon ng: “FYI sa mga basta may ma ipost lang kung ano anong storya ang gingawa basta may ma content lang wag kayong g-go!!! Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema! Wag kayong tan-a at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo!!! May mga trabaho akong gingawa may show ako na ginagawa under GMA 7 at under BuenasPH so para sa mga gumgawa ng storya na umiiyak ako dahil wala akong trabaho wag kayong tanga! Maghanap kayo ng ibang macocontent wag ako mga inutil!!!! ”
So may trabaho naman pala.
Nang huling makausap namin si Mark last December ay gusto niyang magpakapon.
Anyway, maaalalang nakiramay si Mark sa burol ng dati niyang manager.
Maaalalang nagkasamaan sila ng loob ni Nay Lolit.
Nagbigay noon ng reaction si Manay tungkol sa kumalat na raket sa gay bar ng kanyang dating alaga.
Sinasabi niyang naaawa siya sa dating alaga.
UNTIL... MAY HUGOT ANG KUWENTO
Showing na sa Feb. 25 ang pelikulang Until She Remembers na isang madamdamin at tagos sa pusong drama na inilahahad sa paningin ng High School student na si Angel (ginagampanan ni Barbie Forteza) na dumaranas ng matinding pagsubok sa kanyang pamilya.
Dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang, walang nagnanais mag-alaga sa kanya. Sa kanyang paghahanap ng matutuluyan, lumipat siya sa kanyang lola (Concha, na ginagampanan ni Charo Santos-Concio), ngunit dito niya matutuklasan na ang pinakamamahal niyang lola ay dahan-dahang pinuputol ng sakit na kanser.
Sa natitirang sandali ng kanilang pagsasama, mabubunyag ang isang matagal nang nakabaong lihim: ang kanyang lola ay nagkaroon ng malalim at hindi malilimutang pag-ibig sa isa pang babae, si Catherine (na ginagampanan ni Boots Anson Roa-Rodrigo).
Sa hangaring mabigyan ng saysay at kapayapaan ang mga huling araw ng kanyang lola, hahanapin ng bata si Catherine—ngunit matatagpuan niyang ito ay may Alzheimer’s Disease na. Hindi na nito maalala ang kanilang nakaraan, maging ang babaeng minahal siya nang lubos.
Ang susunod ay isang tahimik, masakit, ngunit mapaghilom na paglalakbay patungo sa huling pagkikita – kung saan ang alaala ay maaaring kumupas, ngunit ang pag-ibig ay mananatili.
Sa paglalakbay na ito, matututunan ng bata ang pinakamahalagang aral sa kanyang buhay: na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa pagmamay-ari, panahon, o maging sa alaala – kundi sa presensya, sakripisyo, at malasakit. Isang aral na hindi naituturo sa anumang paaralan.
Ipapalabas na ang Until She Remembers ngayong Feb. 25 sa mga sinehan sa buong bansa.
Inamin ni Barbie na wala silang script sa pelikula.
Ang pelikula ay produced ng Solar Studios Inc. at Center Stage Productions, executive producer si Wilson Tieng, sa panulat at direksiyon ni Brillante Mendoza.
Dingdong, may kakaibang misyon!
Malapit nang mapanood ang pagbabalik-serye ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa The Master Cutter.
Gaganap dito si Dingdong bilang isang sastre na may kakaibang misyon, na talaga namang inaabangan ng maraming fans.
Muling makakatrabaho ni Dingdong sa serye ang direktor na si Dominic Zapata, at makakasama niya rito sina Max Collins, Sienna Stevens, Shuvee Etrata at Jo Berry. Mapapanood ito simula ngayong Abril sa GMA Prime.
- Latest




















