Gretchen at Shaina, iniintriga

Ano kayang masama kung friends ngayon sina Gretchen Barretto and Shaina Magdayao?
Bukod sa kumakalat na photos na magkasama sila at nagtatawanan, may ilang nagsasabi nga na nag-iba ng circle of friends si Shaina. Sa mayayaman na raw ito nakikigrupo.
Si Gretchen ay walang-wala na sa plano ang mag-showbiz sabi niya nung minsang maka-chika namin siya sandali.
May ilang issue kasi na may mga offer sa kanya na teleserye.
Pero sabi ni Ms. Greta: “Peaceful, quiet life.” Maaalalang ibinasura ng Department of Justice ang kasong kriminal laban sa dating actress kaugnay sa mga nawawalang sabungero.
- Latest




















