Tuesday: ‘Please Hire Me!’

MANILA, Philippines — Nanawagan ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas sa mga kaibigan niyang writer, producer at director na kailangan niya ng trabaho.
Sa kanyang Facebook post ay diretsahan siyang nakiusap na “Sa mga kaibigan kong writer, producer at director po, kung meron po kayong projects para sa akin ay available po ako. I am a diligent worker and Id like to believe that I am a good and versatile artist.
“Please hire me po. Promise pag huhusayan ko po. Salamat po.”
Aniya pa, kahit na maliit na role ay tatanggapin niya.
“Sa mga gagawa ng pelikula po, available po ako. Wala pong role na maliit at wala din pong role na mahirap. Kaya ko po yan, subukan nyo po akong i hire at gagawin ko ang aking best. Salamat po!” post pa niya.
Umani naman ng suporta si Tuesday at marami sa kanyang mga tagahanga ang bumilib sa ginawa niya.
Pero marami rin ang nalungkot at naka-miss kay Tuesday na naniniwalang talented artist ito pero ganoon daw talaga sa showbiz, mabilis palitan ang mga artista.
Umaasa ang fans niya na matulungan siya ng mga kaibigan niya sa industriya dahil hindi naman lead role ang hinihiling niya.
Naging open si Tuesday sa kanyang mental health struggles kung saan inamin nitong diagnosed siya ng Autism Spectrum Disorder at Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder o ADHD.
Dasal ng followers niya na hindi nito naaapektuhan ang kanyang propesyon upang hindi siya i-hire ng mga producer.
Huli siyang napanood sa Kapuso vodcast na Your Honor kasama ang co-host niyang si Buboy Villar kung saan pinalitan siya ni Chariz Solomon.
- Latest






















