Ronnie, nanlibre ng operasyon!

Very meaningful ang naging birthday celebration ni Ronnie Liang noong nakaraang Jan. 31. Nakasama ng actor-singer ang ilang batang may cleft lip and palate na mga benepisyaryo ng kanyang Project Ngiti.
Nakatanggap ng free surgery ang mga bata sa ilalim ng nasabing proyekto.
Para kay Ronnie, bukod sa musika, nakapagbigay na rin siya ng ngiti sa mga bata sa pamamagitan ng operasyon.
Na-launch ni Ronnie ang Project Ngiti noong 2022.
“Gusto ko makatulong sa kanila na magkaroon sila ng normal at masayang buhay dahil alam ko ‘yung lumaking may cleft ay nakaranas sila ng discrimination at mga panunukso nung lumalaki sila,” sey ni Ronnie.
Isa ring army reservist at piloto ang Sparkle artist.
Cher, pinagtawanan ang kanyang blooper
Nagkaroon ng “senior moment” ang film and music legend na si Cher sa nakaraang Grammy Awards.
Nagkamali ang 79-year-old icon sa pag-announce ng winner sa Record of the Year. Imbes na si Kendrick Lamar, nasabi niya ay Luther Vandross dahil nakita raw niya ang name na “Luther” na title pala ng winning song.
Mabilis namang naayos ang naging blooper ni Cher at pinagtawanan na lang niya ang nangyari onstage.
First time raw na mag-present sa Grammy Awards si Cher after 18 years. Kaya kinabahan daw siya.
“I don’t do this part very well. I mean, put a microphone in my hand, have some music, I’m great!” biro pa niya.
- Latest




















