^

Pang Movies

Katherine, rumaraket na uli!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Katherine, rumaraket na uli!
Katherine Luna
STAR / File

Hindi pa huli ang lahat para sa tuluy-tuloy na pagbabago at pagbabagong-buhay ng dating aktres at ex ni Coco Martin na si Katherine Luna.

Dahil diumano sa mga maling tao at mga maling desisyon, natutong magdroga si Katherine hanggang dumating ang pagkakataon na kanyang napabayaan ang sarili pati mga anak.

Dahil sa droga ay nakulong siya sa loob ng apat na taon at doon niya na-realize ang kanyang mga pagkakamali.

Ang buong akala ng aktres ay wala na siyang pag-asang makaaninag muli ng liwanag sa kanyang buhay pero sa tulong ng ilang tao na nagpaabot ng tulong ay muling nagkaroon ng pag-asa sa buhay niya.

Umiwas na rin ang aktres sa mga taong walang magandang maidudulot sa kanya kundi kapahamakan.

Sa tulong ng dasal, ng kanyang pamilya laluna ang kanyang mga anak, unti-unting nagbago si Katherine.

Abut-abot din ang kanyang pasasalamat kina Coco Martin at Julia Montes. Napaopera ang kanyang isang mata at nagbigay rin ng tulong pinansyal para siya’y makapagsimulang muli ang magkarelasyon.

Binigyan din ni Coco ng break sa kanyang FPJ’s Batang Quiapo ang anak ni Katherine na si Nicole.

May lumabas ding balita na maging si Katherine ay ipapasok din umano ni Coco sa kanyang serye para magkaroon ito ng pagkakakitaan.

Si Katherine ay abala ngayon sa kanyang TikTok content na ini-enjoy niyang gawin.

Jayda, ‘di sumikat sa dinirek ni Xian?!

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi gaanong maingay ang digital series na pinagbibidahan ng kaisa-isang anak ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado on Viva One, ang Project Loki, na pinamamahalaan ng actor-director na si Xian Lim.

Kasama sa nasabing series sina Marco Gallo at Dylan Menor.

Ang Project Loki ay siyang launching series ni Jayda na sa pagkakaalam namin ay joint project ng Studio Viva, Webtoon Studios, Wattpad, Cignal at MQuest Ventures.

Mukhang hindi gaanong nakatulong si Marco Gallo na nagmula sa hit Viva One series na The Rain in España series na pinagbidahan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo.

Carlos Yulo, kasundo na ang mga kapatid

Hindi pa man naibabalik ang magandang relasyon ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang parents laluna sa kanyang ina, maganda ang kanyang relasyon sa kanyang mga nakababatang kapatid na sina Joriel, Eldrew at Elaiza.

Katunayan, nito lamang nakarang Jan. 24, araw ng Sabado, ay nag-post si Carlos ng larawan kuha sa Enchanted Kingdom kung saan sila magkakasamang magkakapatid kasama ang kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose at girlfriend ni Eldrew na si Francine Murillo.

Mas matutuwa ang supporters ni Carlos kung makikita ng publiko na kumpleto ang kanyang pamilya kasama ang kanyang mga magulang na sina Mark Andrew at Angelica Yulo.

KATHERINE LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with