^

Pang Movies

Empoy, may Batang Paco

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Empoy, may Batang Paco
Empoy

Sa title pa lang, may aliw factor na ang pelikulang Batang Paco starring Empoy.

Parang nakaka-Batang Quiapo ni Coco Martin ang dati­ngan.

Pero ang isang sure, mapapatawa, mapapaiyak, at mapapapalakpak ng Batang Paco ang film buffs at moviegoers sa pagpapalabas nito sa mga sinehan, na isang heartwarming family action-comedy na malapit nang mapapanood sa mainstream cinemas sa buong Pilipinas.

Produced ng MiVida Productions, Inc., ang Batang Paco ang kauna-unahang pelikula ng kumpanya at nagsisilbing opening salvo nito para sa 2026.

Bagong film outfit ang MiVida at nakatuon it sa bold, out-of-the-box storytelling.

Pinamumunuan ito ng former actress turned businesswoman na si Ana Abiera Del Moral, na may malinaw na layunin na maghatid ng mga kwentong may lalim ng emosyon at malawak na audience appeal.  “This film defines what MiVida stands for — stories with heart, courage, and soul,” sabi ni Ana.

Sa pinakapuso ng Batang Paco ay isang family drama tungkol sa pag-ibig sa iba’t-ibang anyo nito.

Umiikot ang kwento kay Paco, isang mabait ngunit duwag na tattoo artist, na mapipilitang pumasok sa isang mapanganib na misyon nang dukutin ng isang makapangyarihang crime syndicate ang kanyang anak.

Dahil sa pagmamahal, kailangan niyang hanapin ang tapang upang ma­ging ama na pinaniniwalaan ng kanyang anak na kaya niyang maging.

Hatid ni Empoy ang init, katatawanan, at vulnerability sa isa sa kanyang pinaka-relatable na roles.

“Hindi perpekto si Paco — pero gagawin niya ang lahat para sa anak niya,” ani Empoy.

Sa tagpuan nito — ang makulay at magulong backdrop ng Maynila — nag-aalok din ito ng outrageous laugh-out-loud moments, kapana-panabik na action sequences, at malalim na emosyonal na kwento, na sinusuportahan ng solid ensemble cast na kinabibilangan nina AiAi delas Alas, Mon Confiado, Ynez Veneracion, Chichi Rita, Cassie Lavarias, Richard Quan, Alma Concepcion, Lara Morena, Natasha Ledesma, Kookoo Gonzales, Gerard Acao, Josh Ivan Morales, Kim Rodriguez, Jovi Vargas, at Quentin Molo.

Sa direksyon ni Rechie del Carmen at panulat ni Gina Marissa Tagasa, pinagtitibay ng pelikula ang commitment ng MiVida Productions sa fearless filmmaking at mga kwentong may pusong Pilipino.

“Batang Paco is just the beginning for MiVida,” dagdag ni Ana.

Sa pinagsamang puso, humor, at heroism, handang haplusin ng Batang Paco ang mga puso ng mga manonood na mag-uumpisang mapanood sa mga sinehan sa Pebrero 18.

EMPOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with