Claudine, luv pa rin si Mark!

Kinilig ang mga netizens sa birthday greetings ni Claudine Barreto kay Mark Anthony Fernandez na aniya ay kanyang “first love” at “first heartbreak.”
Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang aktor nitong January 18 at binigyan siya ng madamdaming tribute ni Claudine sa Instagram.
“Belated happy birthday to my first love my first everything.especially my first heart break” simula ng aktres.
Sinabi rin ni Claudine kung sakaling mabubuhay siyang muli ay si Mark pa rin ang pipiliin niyang maging first love.
“I said this before and l say it again.if i were to live my life all over again i’d still choose u to be my first.im so proud of the Man u have become,” mensahe niya kay Mark.
“I never thought id ever be friends with my EX but Mark definitely is the exception. a true Gentleman with one of the kindest soul i have ever met,” aniya pa.
Nagpasalamat din siya sa dating boyfriend na hindi raw ito nagsasalita ng masama about her at lagi raw siyang pinoprotektahan.
“Happy birthday thank you for never Talking Bad about me,in fact u took all the blame and made sure i was always Protected even from a far,” saad ng aktres.
Sa huli ay nag-I love you pa si Claudine kay Mark.
“I have no Regrets.only great memories.i luv u EX,” aniya.
Ang daming nag-react sa mensahe ng aktres sa ex lalo na nga sa parteng nag-I love you siya rito. Sey nila ay kinilig daw sila at request nila na magkaroon ng movie ang dalawa.
Yael, nilalaglag ni Chito
Naaliw ang mga netizens sa pa-tribute and at the same time ay ‘panglalaglag’ ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda sa kapwa-singer na si Yael Yuzon ng Sponge Cola.
Sa Instagram account ng mister ni Neri Miranda ay pinuri-puri niya ang mister ni Karylle sa kabaitan nito, pero sinabi rin niyang weird at annoying ang kaibigan.
“Daghang salamat, Cebu...mula sa Parokya at sa Sponge Kulas.
“We had a super fun show last night sa SM Seaside Concert Grounds, kahit super hirap ako buong set,” simula ni Chito tungkol sa katatapos lang na show sa Cebu ng Parokya ni Edgar kasama ang Sponge Cola.
“I woke up yesterday with a very bad cold kaya di ako nakakanta ng maayos kagabi pero salamat kasi kahit di ako 100%, 100% pa rin yung pagtanggap nyo sa amin. Maraming salamat talaga,” patuloy niya.
Kasunod nito ay nagpasalamat din siya kay Yael na nagdala pa raw ng gamot sa kanyang kuwarto.
“Salamat din kay Yale ng Sponge. Palagi ko silang inaasar pero sa totoo, isa si Yale sa mga pinaka-kaibigan ko sa eksena. He’s weird at annoying (ganun din naman yata ako eh) pero sobrang bait nya.
“Alam nya na may sakit ako, so ang gjnawa nya, nagdala sya ng Berocca at gamot sa room ko pagbalik namin sa hotel. He then proceeded to explain kung bakit effective ang Berocca. Ganun sya ka-bait (at ka-weird),” tsika ni Chito.
Ibinahagi rin niya ang isang unforgettable memory niya sa mister ni Karylle.
“Dati naman, nalasing ako masyado, hinatid nya ako pa-uwi (iniwan nalang namin yung kotse ko sa parking kung san kami uminom...tapos binalikan namin the next day)
“Nung sya naman yung nalasing, hinatid ko sya pa-uwi. Suka sya ng suka sa kotse...pero ok lang kasi kotse naman nya yung dala namin eh,” pagbabalik-tanaw ng OPM singer.
“Anyway, cheers....at maraming salamat ulit Cebu sa napakasayang tugtugan.Pit Señor!!!” pagtatapos niya.
- Latest



















