Marian, may like sa ginawa nina Max at Dingdong

Ni-like ni Marian Rivera ang reels post ni Max Collins na nagsasayaw sa beach kasama si Dingdong Dantes. Taping yata ‘yun ng The Master Cutter and in between takes, nag-post si Max ng reels na siya ay nagsasayaw na naka-panty.
Napa-comment si Dingdong ng “Cut, take two—my dancing skills still loading” na sinagot ni Max ng “@dongdantes si @marianrivera lang talaga gifted sa pagsayaw jk.”
Ikinatuwa ng fans ang convo nina Max at Dingdong at pagla-like ni Marian Rivera sa reels post na ito ni Max. Patunay raw na walang magiging isyu sa kanilang dalawa at ipinaalala ng fans na close friends sina Max at Marian ngayon mula nang magkasama sa My Guardian Alien.
Sina Dingdong at Max naman ay nagkasama sa pelikulang Only We Know, kaya’t magkakaibigan sila.
Andrea, laging bantay ng BF na basketbolista
Ang overlay text ng boyfriend ni Andrea Brillantes na si Pankie Capistrano sa post niya ng photo nila sa isang beach. Nakasulat ang “I love you all way always” at may kasama pang red heart emoji.
Sabi ng fans ng aktres, patunay ito na hindi lang si Andrea ang in love sa boyfriend, mutual ang feelings nila for each other. May mga nag-akusa kasi sa aktres na mas siya ang in love sa guy than the other way around dahil siya ang madalas mag-flex sa kanilang dalawa.
Isa pa raw patunay na mas in love si boyfie kay Andrea ay ang laging nauunang mag-comment sa bawat post ng aktres. Para raw nakababad lang ito sa Instagram ni Andrea at kapag nakitang may bagong post ito, agad nagko-comment.
Kaya lang, sa post ni Andrea ng bakasyon nila sa La Union, naunahan ni Bela Padilla si Pankie na mag-comment, kaya nakantyawan siya ng fans ng aktres. May nakatalo na raw sa kanya, kaya better luck next time na lang sa kanya.
Magkasama palang nagbakasyon sa La Union sina Andrea at Pankie, at sa post ni Andrea, makikitang happy sila. Napa-comment tuloy si Cassy Legaspi ng “Happy girl” at ang comment ng mom ni Andrea na “I’m the happiest seeing you so happy.” Obvious na pabor at tanggap ng kanyang mom ang bagong boyfriend ni Andrea.
- Latest























