Manghuhula, sablay rin sa B.I!

MANILA, Philippines — Ang mag-asawang Mar Roxas and Korina Sanchez naman ang itinuturong royal couple na hiwalay na raw. Na never ever daw na maghihiwalay.
Hahaha. Talagang lahat na lang.
Kahit mga fortune teller, hindi na mahulaan dahil diumano’y hindi naman true ang nasabing hiwalayan ng royal couple na nag-umpisa sa isang blind item.
Anyway, ang bilis naman ng analysis ng mga social media user na baka naman daw si Ellen Adarna ang dahilan ng hiwalayan nina John Lloyd Cruz at girlfriend nitong si Isabel Santos na isang artist/illustrator.
Napansin kasi nila na hindi na nagpa-follow sa isa’t isa sina John Lloyd at Isabel sa kani-kanilang Instagram (IG) accounts umpisa raw noong Jan. 15.
Well, trend sa showbiz na ‘pag nag-unfollow na kayo sa isa’t isa sa IG, clear sign ‘yun na wala na ang magkarelasyon.
Tho sa kabila ng mga pangyayari, pina-follow pa rin naman nila ang isa’t isa sa isa pang account ng inactive actor na pulos medyo may pagka-weirdo ang ang mga posting (@dumpsitegallery).
Noong 2023 naging official ang relasyon nina John Lloyd at Isabel kung saan inamin ni John Lloyd sa Fast Talk with Boy Abunda na may relasyon nga sila ng artist-illustrator pero wala raw siyang maikuwento, boring na tao raw sila. “Si Isabel ay girlfriend ko, oo or boyfriend niya ako. We’re boring people, wala kaming maikukwento, ganyan lang kami. Matagal na kaming magkakilala. Gallery nila ‘yung una kong pinasok na gallery. It was the time na bago pa lang akong tumigil with ABS-CBN. Napadpad ako sa pag-e-explore ng… (art). So, gallery nila ‘yung una kong napasok, sila ‘yung una kong nakilala, family nila. We were talking before pero hindi nag-evolve into something ideal for us at that time. Mula noon, present na rin siya sa buhay ko,” sabi noon ni John Lloyd kay Kuya Boy.
That time 40 years old si John Lloyd at naniniwala ang aktor na maikakasal pa rin siya balang araw. At nakikita umano ni John Lloyd na si Isabel na ang kanyang makakasama sa habambuhay. “She’s very elemental sa mga ganyang bagay. Kung paano namo-mold ‘yung mga lumalabas sa bibig ko. Kung ano man ‘yung nabubuo sa isip ko. Siyempre ‘yung consideration lagi for the two of us, especially para sa kanya, laging nandoon,” sabi niya that time.
At kaya nadadawit ang pangalan ni Ellen dahil hiwalay na nga sila ni Derek Ramsay na hindi naman pala sa TV5 ang program contract kundi sa APT na co-producer ng The Kingdom: Magkabilang Mundo.
- Latest




















