Toni, tumanggi na rin!

Bawas na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa nababalitang power couple na naghiwalay na!
After magsalita ni Marian Rivera, si Toni naman ang kasunod na sumagot na walang katotohanan ang ibinabatong isyu sa kanila!
May tatlo pang power couple na pinaghihinalaang hiwalay na. Naku, mga Marites, ibulgar na ang power couple na ‘yan!
Bambbi, may bagong pelikula!
Gumawa muli ng bagong pelikula sina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Mula ito sa direksyon ni Louie Ignacio at next week magkakaroon ng cast reveal!
Nakagawa na sina Bambbi at Tine ng una nilang movie na Sugat sa Dugo kung saan winners bilang breakthrough artists ang artists nila!
Mahal ni Bambbi ang showbiz kaya naman gusto niyang magkaroon din ng kontribusyon sa local film industry!
- Latest




















