^

Pang Movies

Beauty inggit kay Kris

Pang-masa
Beauty inggit kay Kris
Kris at Beauty

MANILA, Philippines — Bahagi rin ng powerhouse cast ang mga beteranong artista na sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Snooky Serna. Kasama rin ang Sparkle artists na sina Kayla Davies, Angel Cadao, Geo Mhanna, at Kokoy de Santos. Kukumpleto sa serye ang mga karakter nina Tanya Gomez, Patricia Tumulak, at Gee Canlas.

Ang House of Lies ay kuwento ng dalawang babae na handang ibigay ang lahat para sa kanilang pangarap na buhay at pamilya. Ngunit minsan, ang sobrang pagnanais ay nauuwi sa kasamaan, panlilinlang, at sa isang tahanang puno ng kasinungalingan.

Si Marjorie ay mapagmahal na ina at mabuting asawa kay Paolo. Samantala, ang kapatid ni Paolo na si Edward ay asawa ni Althea, isang mahigpit na ina at asawang puno ng insecurities.

Lumaki sa mayamang pamilya, palaging magkaribal sina Paolo at Edward para patunayan kung sino ang mas karapat-dapat na maging tagapagmana ng Torrecampo Realty. Sa kabilang banda, si Althea ay matagal nang naiinggit kay Marjorie, at ngayong nasa iisang pamilya na sila, gagawin niya ang lahat para sirain ito.

Ano ang mangyayari kapag ang isang tila perpektong pamilya at malaking bahay ay mapuno ng madidilim na sikreto? Maaari bang manatiling nakatago ang kasinungalingan at pagtataksil, o lilitaw rin ang katotohanan?

At kung bilib ang iba kay Beauty Gonzales na kaya niyang mag-Bisaya, Tagalog at English, iba naman ang pakiramdam niya, ikinai-insecure niya ito.

Halu-halo raw kasi hindi katulad ni Kris na hindi na kailangan ng script sa shooting nila House of Lies.

“I really admire her now when she goes to the set na wala siyang dalang script, like, sobrang memorized niya ‘yung lines niya and… uy, you do, ha, I mean, you should be proud of it,” sabi nito noong media conference.

“Like, ako, I really want to have that habit na pwede kong bitawan ’yung script ko. But sometimes kasi, I get insecure with my Bisaya and my Tagalog and English. Naghalo-halo na ba, nag-mash-up na ba. Kaya kailangan kong bitbitin ‘yung script ko para lang sure ako sa linya ko,” sabi pa niya.

Bilib din daw kay Kris na laging naka-higheels.

“I wish I could wear heels like this, like, ‘yung mga Louboutin, I’d die for those shoes na kayang-kaya niya. I mean, like, ang ganda kasi, eh, like, iba ‘yung tindig mo, iba ‘yung tayo mo.

“And she has a beautiful collection of her shoes. So that’s just one of those things that I like. And ang sipag niya mag-vlog! Yeah, ang sipag niya mag-vlog, which is so opposite of me because I’m lazy. I’m a writer than a talker. I’d like to do actions more than say things more,” sabi pa ni Beauty na isang yoga teacher na sa totoong buhay.

At kahit puksaan ang mga eksena nila sa House of Lies ni Kris, nagaanan daw siyang kaeksena ito.

IWant, may pa-discount!

Damhin ang nais mong feels ngayong 2026 kasama ang iWant na handog ang special discounted prices sa annual plans na maaaring i-avail hanggang Enero 31 (Sabado), hatid ang isang taong access sa kanilang original shows at series, Pinoy teleseryes, blockbuster movies, at iba.

Maaring ma-avail ang iWant Annual Basic Plan sa halagang P299 gamit ang promo code na “IWANT299” at ang Annual Premium Plan sa halagang P999 gamit ang promo code na “IWANT999.”

Nangunguna sa lineup ngayong Enero ang kaabang-abang na finales ng reality series na AFAM Wives Club, crime show ng veteran journalist na si Gus Abelgas na SOCO, at stand-up comedy series na Benta Nights. May fresh slate of originals ding parating, kabilang ang microdrama series na Runaway Love tampok ang social media sensation na si Analain Salvador, na mapapanood ang lahat ng episodes sa Huwebes (January 15).

Ilan pa sa maaaring i-enjoy at i-binge watch sa discounted annual plans ay ang pamatay sa kilig na kwento ng Ghosting series nina JM Ibarra at Fyang Smith, ang suspense-filled romance na The Last Resort nina Karina Bautista at Aljon Mendoza, BINI World Tour Stories tampok ang nation’s girl group na BINI, Baka Doon sa Buwan,  at marami pang iba.

Bukas ang promo para sa lahat ng users na walang active subscription sa oras ng pag-avail. Paalala sa subscribers na ang promo codes ay redeemable lamang via web platform. Kinakailangang mag-log in o mag-register sa iWant.ph gamit ang web browser upang ma-claim ang discount.

Upang ma-avail ang offer, maaaring mag-log in o mag-register ang users sa iWant.ph, pumunta sa Account & Settings, piliin ang Upgrade Plan, i-toggle ang Yearly Billing, pumili ng nais na Annual Basic o Annual Premium Plan, ilagay ang promo code, at kumpletuhin ang pagbabayad.

BEAUTY GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with