^

Pang Movies

Talent manager, biglang nakakilala

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Walang kilalang media ang dalawang acclang talent managers nung panahong umaariba sa sexy movies ang kanilang mga alaga!

Batiin man sila eh walang nakikitang tao, huh! High and mighty ang dating dahil sa pamamayagpag ng mga alaga sa sexy films!

Eh nung nagkahigpitan at patago na ang paggawa ng sexy movies, aba, may isa sa talent managers ang bumabati na sa media lalo na nung time na may mga bago siyang ipakikilalang talents sa kanilang mga boss!

Kaya naman sabi ng isang media na batiin-dili ng isang manager, “kilala mo na ba ‘ko?”

Naku, marami sa showbiz ang mabilis malunod sa isang basong tubig, huh! Hindi araw-araw ay Pasko!

Chavit, malabo nang makuha ang Miss Universe

Nakipag-collab na lang sa bagong movie si Chavit Singson dahil malabo nang mabili niya ang franchise ng Miss Universe!

Isa ang collab movie ni Chavit with GMA Pictures ng Kapuso Network.

Matatandaang nakipag-collab na si Chavit sa GMA sa isang movie na pinagbidahan ni Sanya Lopez at iba pa. Sa Vigan pa kinunan ang ilang eksena sa movie.

Mas mabuting sa movies na lang makipag-collab si Chavit para mas maraming matulungan sa movie industry, huh!

CHAVIT

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with